Monday, August 1, 2011

Suwi?

Suwi daw ako nung ako'y isinilang sabi ni Mother .

Ito yung Breech Birth sa Inggles , ibig sabihin unang lumabas ang aking paa at kamay bago ang ulo , which is the normal process , dapat una ang ulo na lumabas o head first delivery.

O debah naman , pagkasilang pa lang abnormal na  agad ha ha ha .

At dahil dito , ayon sa sabi sabi at pamahiin , kapag suwi daw ang isang tao ay magaling o marunong itong manghilot ng mga natitinik sa lalamunan.

May angking galing daw ang mga suwi para makapag-hilom ng mga natitinik .

At sa tuwina nga , kapag may natitinik sa amin ay ako agad ang isinasangkalan ni Mother para hilutin ang mga lalaugan nila at mawala ang sagabal na tinik. Hitsura lang ni Mang Kepweng na nagtatawas.

Maraming beses ko nang  nagawa ito simula pa  nuong bata ako.

And surprisingly , after lang nga ng  ilang minutong himas at hilot ay nawawala na nga at naiibsan ang kirot na nadarama ng mga natitinik na lumalapit sa akin.

Hmmm.

Scientific explanation?

One postulation.

Siguro nga ay naaalis din ang tinik dahil nga sa hagod ma pababa sa lalamunan na siyempre kaipala ay matatangay ang anumang nakabara o tinik na nasa esophagus nila debah?

So my final say is , whether suwi ka o hindi , keber lang iyan, walang paranormal explanation dahil it's a simple arithmetic  ha ha ha.

Tarush!

Sige na nga .

Ah basta kapag ang bumara sa inyong lalamunan ay ang   _____________ dahil  deep ang throat ninyo, aba huwag n'yo  nang ipapahilot sa akin 'yan noh dahil hindi na kaya ng powers ko  ha ha ha ha.

Yun na!

2 comments:

  1. ganun? sayang ung talent mo kong hnd ka manghihilot.. hehe

    ReplyDelete
  2. oo nga Mommy he he ... dami ko nang nahilot na natinik ... hanggang ngayon beteranong hilot na ako he he ...

    ReplyDelete