TRAVELBOOK NOW!

Friday, August 5, 2011

Senator Juan Miguel Zubiri resigned

Nagbitiw na pala sa pagka-senador ang ibinoto ko nitong nakaraang 2007 senatorial election na si Juan Miguel Zubiri na pumang-labindalawa sa nakaraang bilangan ng boto.

Ito ay dahil sa umalingasaw na dayaan diumano nitong nakaraang national elections dahil sa paglutang ng mga pangalang Lintang Bedol , Zaldy Ampatuan at  iba pa kaya napilitang bitawan ni Senator Zubiri ang kaniyang posisyon ngayong taong ito.

Dahil dito ay 22 na lamang ang natitirang Senador ng ating bansa dahil nauna nang natanggal dito ang ngayo'y ating mahal na pangulong si Benigno " Noynoy " Aquino III.

Para sa akin ay kapuri-puri ang ginawang ito ni Senador Zubiri dahil ipinakita niya na hindi siya kapit-tuko sa puwesto habang nagkakaruon ng imbestigasyon hinggil sa usaping ito.

Hindi katulad ng iba na halos binabakbak na para lamang magbitiw sa puwesto dahil sa anomalya ay nananatiling naka-Pioneer epoxy super glue at rugby pa ang mga puwet sa upuan at silya.

Aba hindi biro biro ang mawala ang 200 million pesos pork barrel fund every year kapalit ng dangal at katahimikan ng konsensya!

Marami naman ang nagsasabi na papogi effect at pampalapad -papel lang itong ginawa ni Zubiri para makaakit ng mga supporters para sa darating na eleksyon sa 2013 .

Ito na nga ang sinasabi ko na , damn if you do , damn if you don't.

Kapag hindi ka nagbitiw , aakusahan kang kapit -tuko.

Kapag nagbitiw ka naman ay  sasabihan kang papogi at pa-simpatiya.

Ano ba talaga kuya!!!

Sala ka sa init , sala ka sa lamig!!!

Senator Juan Miguel Zubiri , saludo ang bayan sa iyo!!!


1 comment:

  1. sabagay kapuri puri siya, pero palagay ko inunahan lang niya ang decision ng protest ni Koko Pimintel hehe!

    ReplyDelete