TRAVELBOOK NOW!

Thursday, August 11, 2011

R U Kidding Me ? contestant

Napili ako para maging isa sa 100 contestants para sa game show ng TV 5 na R U Kidding Me ? Owwss Hindi Nga ? , hosted by no less than Bossing Vic Sotto with sidekicks Jose Manalo and Wally Bayola.

Ang venue ng taping for the said game show which airs every saturday at 8 PM ay sa Broadway Centrum Studio 2 which happened last June 18 , 2011.

Alas 4 ng hapon ang call time kaya mega sugod me to the max sa studio at halos kandarapa sa katatakbo para makahabol .

Marami pang mga technicalities eklavu bago nagsimula ang taping bandang mga alas siyete na yata yun ng gabi.

Ang game proper , magtatanung ng limang questions si Bossing at kung sino ang mga tama ang sagot ay siyang matitira hanggang sa dulo at kung sinong matira mula sa isangdaan ay siyang mag-uuwi ng pot money na 100,000.00

Sa kadulo - duluhan ay nakatapos ako hanggang sa ika-apat na tanong  na hindi ako nae-eliminate .

Bale anim na lamang kami nun na natitira mula sa orihinal na isangdaan.

At umarangkada ang  pang-lima o final  question para sa aming anim.

Ang tanong ay kung sino ang unang Pilipinang na-feature sa Playboy Magazine .

Ang mga choices ay  , A.) Tetchie Agbayani para kay Jose Manalo , B. ) Marissa Delgado para kay Wally Bayola  at C. ) Rosanna Ortiz para kay Bossing Vic Sotto  . Siyempre may kani-kaniyang paliwanag ang mga hosts  tungkol sa kanilang mga sagot .

Aba , hindi naman ako mahilig magbasa o magkolekta man lang  ng Playboy na yan hano kaya clueless talaga  ako sa kung ano ang isasagot ko . Ang paborito ko kasi ay Palygirl he he he.

Pinagpipilian ko sina Tetchie Agbayani at Marissa Delgado .

Actually , alam ko na nag-pose minsan sa Playboy si La Tetcha at naging kontrobersyal pa nga ito dahil hubo't hubad ang posing na ginawa niya sa centerfold ng nasabing men's magazine sa German Edition nito na pag-aari ni Hugh Hefner.

Ang wala akong  kaide- ideya ay kung nag-pose ba dito si Marissa Delgado .

May five minutes na timer .

At dahil magagahol na ako sa tumatakbong minuto , dali dali ko nang pinindot ang sa tingin ko ay ang mas safe na sagot na letter A : para ay Tetchie Agbayani.

As what I 've said , nung oras na iyon ay anim na lamang kaming natitira na naglalaban - laban para sa 100,000.00 na premyo . Kung sinu-sino ang makatamang sagot ay sa kaniya ang pot money na paghahati-hatian ng mga natira . Kung isa lang ang makatamang sagot ay sa kaniya ang buong pot money na 100,000.00

Ang siste , lahat kaming anim ay pumindot at pumili kay la Tetcha bilang aming sagot .

Walang pumili kina Marissa Delgado at Rosanna Ortiz .

At nang i-reveal na ni Bossing ang tamang sagot , which is ......

" B . Marissa Delgado " ay dumagundong ang buong studio sa hiyawan at tilian ng mga contestants.

" Si Marissa Delgado ang unang Pilipina na nakapag-pose sa Playboy Magazine sa American Edition nito at hindi si Tetchie Agbayani , pangalawa lamang siya . At si Rosanna Ortiz , never na nag - pose sa Playboy Magazine " paliwanag ni Bossing .

At dahil walang nakakuha ng pot money na 100,000.00 dahil naubos kaming lahat sa kabuuan ng show , ni-reset ang contest at nakasali ulit ang lahat ng isangdaan para sa pinakahuling question.

Nakatama rin ako ng sagot para dito kaya ang ending winner pa ring umuwi ang lola n'yo with a few money in hand.

Hindi na masama he he .

Aba at nakakarami na rin pala ako ng mga game shows na nasasalihan huh!

Una nga , ay sa isang game portion ng Eat Bulaga kung saan ay nakapag-uwi ako ng consolation prize na humigit kumulang  2,500.00

Sunod ay sa 1 versus 100 ng Channel 2 hosted by Edu Manzano where I go home with nothing he he he.

Sunod ay sa You And Me Against The World ni Gretchen Barretto sa Channel 5 naman  kung saan ay humamig ako ng kulang kulang 16,000.00 bilang papremyo , my biggest winning so far.

And then nasundan ng isa pang guesting sa You And Me Against The World ni La Greta pa rin  kung saan ay nakapag-uwi naman ako ng halos 2,000.00 din.

Sunod ay sa Who Wants To Be A Millionaire ni Bossing Vic Sotto pa rin sa Channel 5 din na kulang kulang 1Kiyaw ang aking naiuwi.

And then sa Pinoy Bingo Night ni Kris Aquino sa Channel 2 na umuwi akong luhaan hu hu hu.

Naulit pa sa Who Wants To Be A Millionaire ni Bossing na consolation ulit na kulang kulang 1K ang nadagdag sa aking wallet.

Tapos ay ito na ngang R U Kidding Me?

Next in line is  Who Wants To Be  A Millionaire sa pangatlong beses naman hi hi hi.

And hopefully , makasali ulit ako sa R U Kidding Me ? sa pangalawang beses .

Aba , ako na ang nawiwili sa mga game shows ha ha ha.

Okay naman kasi ang kitaan dito .

Kumikitang kabuhayan ikanga he he he. With just a minimal investments he he he.

Here's some pictures and the video of  the said show aired on June 23 , 2011 at Channel 5:

parang ewan lang ha ha ha
the studio set
my tag number
the choices keypad
ever smiling face he he he
the three lovable and funny hosts Vic , Jose and Wally
the contestants seating arrangement
kalowkah
the rows




THE VIDEO :




6 comments:

  1. WOW! ikaw na!! hehe! galing naman.. panalo ka talaga..

    ReplyDelete
  2. Ha ha ... thanks mareng DP at Mommy Razz ... winnur talaga ang lolah he he ...

    ReplyDelete
  3. bongga ka day! i like it! sayang at di mo nakuha ang sagot ano,alam ko talaga si marissa yun, sana nandun ako, hahaha. pero maganda yan, dami mo nang nasalihan, sikat ka na!

    ReplyDelete
  4. hi po! how to join r u kidding me?? what r d requirements po? thanks po:))- kat

    ReplyDelete
  5. Bisitahin n'yo na lang po Facebook account ng R U Kidding Me ? to get the mechanics of how to join ... thanks ....

    ReplyDelete