Monday, August 8, 2011

No Smoking sa buong bansa


Very welcome ang panukalang gawing pang buong bansa ang ban sa paninigarilyo .

Eh kasi naman , anong silbi kung dito lang sa Metro Manila ipapatupad ang ban eh kung sa paglabas mo naman ng siyudad ay masisinghut- singhot mo pa rin ang nakakalasong usok ng yosi kadiri.

In favor naman talaga ako sa pagbabawal na ito ng MMDA laban sa yosi dahil talaga namang ito lang  ang bukod tanging produkto na sadyang walang naidudulot na sustansya at bitamina sa katawan ng tao and yet ay aliw na aliw ang iba na ipasok ito sa kanilang kaluluwa.

FYI , puro lason at polusyon ang makukuha mo rito .

Just consider this entry in a website about the dangers of cigarette smoking  and what you actually inhale when you smoke:


" What's In Cigarette Smoke?

Cigarette smoke contains over 4,000 chemicals, including 43 known cancer-causing (carcinogenic) compounds and 400 other toxins. These include nicotine, tar, and carbon monoxide, as well as formaldehyde, ammonia, hydrogen cyanide, arsenic, and DDT. "


O debah naman .


Kaya kayong mga chain smoker , mag-esep esep ....


Hindi naman ako magmamalinis , dahil nakatikim na din ako ng addictive habit na ito way back when I was in high school and was a budding teenager.


Pero nung malaman ko na masama pala ito sa kalusugan ng tao ay agad kong itinigil ito at ihininto.


In the first place ay hindi naman ako naadik o naging sugapa sa bisyong ito .


Tikim tikim lang ikanga . Because of peer pressure.


Ang mahalaga is na-overcome ko ito bago pa man ako dito malulong ng husto.


And then after that , wala na totally he he he.


Kaya nga itong nationwide ban na ito ay very much appreciated para kahit saanmang sulok ng bansa ay wala na akong masisinghot na nakasusulasok na usok ng Fortune , Marlboro , Winston , Hope , Champion , Lucky Strike , Salem , Mighty atbp.


On another note , sabi nga ni Ate Alanis Morissette " isn't it ironic? "


Kasi mismong ang presidente natin ay isang chain smoker eh??


Paano kaya iyon ?


Huhulihin kaya siya sa loob ng Malacanang ha ha ha ha???


Oh sige na nga , nakokonsensya kasi ako.


Sabi nila kasi liars go to hell.


Eh ayaw kong matusta sa nagbabagang impyerno , chos.


Kaya heto at aamin na ako.



Eh nabuyo lang naman kasi ako ng pinsan ko at napasubo ng isang stick daw ha ha ha ha.



Hang bango kasi ng amoy ng Marlboro Black kaya di ko napigilang makilanghap-sarap me he he he.



Patawarin n'yo po ako  at hindi ko alam ang aking ginagawa .


Patawarin mo ako Lord  , chos .

Once lang naman eh , di na po ako uulit .


Ipokrito ...


Har har har har.... 




 

3 comments:

  1. unlike. hehehhee.... ma mimiss ko mag Yosi sa Pinas... :(

    ReplyDelete
  2. Hi Edgar! ;D

    successful ako sa adhikain na yan teh!..going on my 5th year of being a non-smoker! and influenced a lot of friends to do the right thing.. ;D

    nga pala..yung pangako ko sa 'yo, don't worry email ko din sa 'yo..just been busy lately.. ;D

    ReplyDelete
  3. @ronronturon ... gudlak na lang he he

    @ demonyito , congrats kafatid , keep it up ...
    okay lang yung pangako mo , don't worry too much ..thanks ..

    ReplyDelete