TRAVELBOOK NOW!

Monday, August 22, 2011

My Fansign

Dahil uso naman ang fansign ngayon , siyempre makikiuso na rin ako he he.

Ito yung piraso ng papel or any  writing materials na may nakasulat na mensahe at ipapahawak mo sa isang tao para litratuhan .

Mas maganda kung ang hahawak ay mga sikat o kilalang tao dahil dagdag pogi points ito at attractive para mas bongga . Angat ka dahil napapayag mong hawakan nila ang fansign mo.

Pero puwede na rin ang mga ordinaryo o mga kakilala at kaibigan na siyang hahawak ng papel basta maganda ang dating at porma.

Eh di ba nga at kahit si Ate Guy ay naging kontrobersyal dahil sa paghawak ng isang fansign na hindi umano awtorisado ng kaniyang mother studio huh!

Kaya ingat sa mga nagpapa- fansign.

Type ko sanang magpa-fansign kay Paris Hilton eh dahil nandito siya sa Maynila lately kaso baka hindi kayanin ng powers ko he he he.

Kaya dito na lang sa dalawang mokong na ito ako nagpa-fansign , keri na debah naman.

Look oh , dito muna kay ate :

At sunod dito kay cute na kuya he he he:

O devah , winnur ang lolah n'yo.

Pa fansign na rin kayo !

No comments:

Post a Comment