Sunday, August 7, 2011

Manila Zoo revisited

Kumalat sa balita na tila daw ba napapabayaan na ang Manila Zoological and Botanical Garden or simply Manila Zoo bilang prime animal sanctuary sa ating bansa.

Ito ay dahil na rin sa blog article ng katotong si Nix kaya nakaabot sa kamalayan ng mga Pilipino ang malungkot na kalagayan ng Manila Zoo.

Diumano ay namamayat , naaabuso , nagkakasakit , nade-depress , nagugutom at nanlilimahid na ang anyo ng dating masigla at kauna-unahang pinakamalaking zoo sa buong Asya.

Natatandaan ko na bata pa lamang kami ay madalas na kami ditong ipasyal ni Father at Mother.

At ang huling zoo na napuntahan ko ay ang Malabon Zoo na pag-aari ng animal lover na si Mr. Manny Tangco.

Dahil nga dito ay mega-sugod kami ng dabarkads na si Omie nitong July 17 , 2011 sa Manila Zoo upang mag-ocular inspection kung tutoo nga bang napapabayaan na ito.

At matapos ang halos dalawang oras na paglilibot at pagmamasid , base sa aming naobserbahan at nakitang kalagayan ng zoo , malayung malayo na ang ang kaanyuan nito sa dating ganda at kinang nito nuong dekada 60 at bagong bukas pa lamang ito sa publiko.

Na-miss ko ang mga eternal favorites na mga hayop  katulad ng giraffe , rhinoceros , orangutan at siyempre ang king of the jungle na lion.

Wala na sila dito.

Base sa aming pagmamasid ng katotong Omie , tila napabayaan na nga ang nasabing zoo.

Ang mga hayop ay tila ba nangangayayat at malulungkot .

Ang mataba lang yata ay ang higanteng hippopotamus na ang taba taba.

Ang paligid ng kulungan at mga kural ay sadyang kay dumi at tila ba  kulang sa kalinisan .

Ang elepanteng si Mali na sentro ngayon ng kontrobersya dahil sa depression sickness daw nito at gusto nang ampunin ng grupong PETA ay malungkot na nanginginain ng damo sa loob ng kural nito.

May balak nga na ibalik na sila sa wildlife na siyang natural na habitat nito.

Sa ganang akin , ang mga hayop sa zoo ay nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga hayop nang sa gayon ay mas maintindihan natin sila sa pamamagitan ng interaksyon.

Mahalaga rin ito  upang may matutunan at mapag-aralan  ang ating mga kabataan ukol sa kalikasan ng mga hayop na ito.

Sana  lang ay pagtuunan ng ibayong pansin ang pag-aalaga sa kanila at panatilihing maayos at malinis ang kanilang paligid nang sa gayon ay mabuhay pa sila  nang mas matagal at ating makapiling habang sila'y nabubuhay.

Narito ang mga kuhang litrato mula sa nasabing field trip:

the lagoon
the tiger
ang buwaya na akala ko nuong una ay hindi totoo
the monkey
Philippine civet cat
zebra , nakakulong kasi eh
isa pang zebra , faded na ang kaniyang stripes
pagkarami-raming buwaya
Philippine mousedeer
Mousedeers pa rin
the hippo , na sadyang kay lusog
hippopotamus
bayawak
albino python
the playful ostrich
another ostrich
Mali , the elephant
Mali
Mali
Cassowary
Eagles
colorful shirts for sale
the horses

family picture with a python
at the entrance
Manila Zoological and Botanical Graden

2 comments:

  1. sana hnd tuloyan isara ang Manila Zoo, ang daming alaala jan.. hehe!

    kawawa naman ang mga hayop, napabayaan..:(

    ReplyDelete
  2. di naman daw yata isasara mommy ... thank you for always reading my blog Mommy .. and for commenting also ...sipag mo naman mag-blog hopping .... nakikita ko lagi mga comment mo sa mga blogrolls ko he he he... thanks ....

    ReplyDelete