TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, August 30, 2011

James Soriano's article and the other Sorianos

Naging trending topic sa internet ang article ng isang nagngangalang James Soriano entitled " Language, learning, identity, privilege " na lumabas sa Manila Bulletin .

Instant celebrity agad ang 21 year old ADMU student na si James Soriano huh .

Hmmm , mukhang nagiging controversial ngayon ang mga Soriano just like Maricel Soriano na na-involved lately sa pananapak at pananakit diumano ng isang katulong dahil tila yata nasa depression state daw  ngayon itong si Maria/Taray  huh.

At ang isa pang si Paul Soriano na naiinip na daw  sa paghihintay sa pagpapakasal kay Toni Gonzaga he he he.

Idagdag na rin natin ang isa pang Soriano sa katauhan ni Brother Eli Soriano ng Ang Dating Daan na involved naman diumano sa isang kaso ng rape case sa isang miyembro niyang kapwa lalaki din hmmmm. Kaya nga ba nasa Amerika at duon nagre-remote telecast ng kaniyang programa?

Anyway , back to regular programming , balik tayo dito sa  James Soriano article na ito who have joined the bandwagon of controversy , kaya may I read naman me the article online para knows ko kung anong kaguluhan ang idinulot nitong Soriano na itech huh.

At nang mabasa ko ang article , initial reaction ko , wala lang ;  keber , dedma .

Eh kung tutuusin , wala namang masamang sinabi sa artikulo davah .  Tungkol lang naman ito sa paglalahad ng opinyon  ng isang taong lumaki na English ang nalalaman niyang mother tongue at tila ang wikang Flipino ay ginagamit lamang niya bilang alternative sa pakikipag-usap sa mga katulong , tindera , driver at iba pa na nakakasalamuha niya sa labas ng kaniyang mundong ginagalawan.

Kumbaga ang tingin niya sa Filipino ay isang mababang uri ng wika , hindi katulad ng English.

Not the language of  learning , sabi nga niya .

Pero sa kalaunan ay mabilis din naman niyang inamin na " with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda. "

At least may redeeming value sa huling bahagi ng kaniyang artikulo sa pamamagitan ng pag-aming  mas malansa pa siya sa pinakamalansang isda he he he.


Sa aking sariling opinyon naman , walang masama kung gumamit o magsalita ka ng English sa kahit anong paraan. English is the universal language . Ito ang ginagamit na lenggwahe para magkaintindihan at magkaunawaan ang magkakaibang mga wika sa buong mundo .

Ngunit para sa akin , hindi ito dapat ang maging mother tongue natin . Na ituturing mo ito bilang iyong pangunahing wika sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan .

Mas mainam pa rin na gamitin mo ang iyong wikang pambansa katulad ng Filipino .

Ang English ay gamitin mo lang bilang medium of communication sa mga taong hindi nakakaunawa ng Filipino.

Huwag mo itong gamitin bilang iyong pangunahing lenggwahe ng pakikipag-ugnayan .

Filipino sa kapwa mo Pilipino , English sa mga dayuhan o banyaga . Ganun lang naman kasimple yun eh .

Eh kaso yung iba , kakausapin mo na sa Filipino , English ka pa  sasagutin , nakakainis lang .

Hindi puro at perpekto ang wikang Filipino . At sa gayon din namang paraan , hindi rin ganun kapuro at kaperpekto ang English na humiram din ng maraming salita sa ibang lenggwahe katulad ng French , Italian , Latin , Chinese , Arabic , Japanese , Spanish ,  German , at maging Tagalog katulad ng boondocks na galing sa salitang bundok .

So walang puwedeng ipagmalaki ang lahat . Bawat lenggwahe o wika  ay may kani - kaniyang unique na katangiang tanging kaniya lamang .

In our case , matuto sana tayong gumamit ng wikang Filipino as our mother tongue , at ang English , sana ay ating gagamitin lamang bilang medium sa pakikipag-talastasan  sa ibang lahi at hindi sa kapwa Pilipino.

Tulad ba ng mga Hapon at Koreano na mas ipinagmamalaki at pinahahalagahan ang kanilang sariling wika kaysa sa dayuhang salita .

Kaya nga ba mas maunlad sila kaysa sa atin?

Yun na !

At any rate , basahin n'yo ang kabuuan ng artikulo ni James Soriano  dito

3 comments:

  1. wow, lahat ng naglalaro sa aking haraya ay nasabi mo.

    ReplyDelete
  2. @JETLANDER ... salamat sa pag-iwan ng bakas ng pagkagat ... chikinini ba etu he he he ... thanks ...

    ReplyDelete
  3. si maricel soriano yan diba????favorite kong artest yan galeng grabeh.......

    ReplyDelete