Wednesday, August 10, 2011

is Mideo Cruz' art exhibit sacrilegious ?

Ipinasara na ng CCP o Cultural Center of the Philippines sa may Roxas Boulevard ang " Kulo " exhibit ng artist na si Mideo Cruz dahil sa pressure mula sa maraming sektor ng lipunan , partikular  mula mismo kay Pangulong Noynoy Aquino at Congresswoman Imelda Romualdez Marcos na isa ring art fanatic, patungkol sa mga umano'y blasphemous o mapanirang puring mga artifacts na may kinalaman sa relihiyon.

Partikular na kinukuwestyon ng marami ay ang imahe ni Hesus na may nakadikit na ari ng lalaki , krus na mayruon ding ari ng lalaki at isang istatwa ni Hesus pa rin  na mistulang isang payaso o clown.

Sa ganang akin , may kalayaan naman ang bawat isa na ipahayag ang kaniyang interpretasyon o pananaw  patungkol sa mga bagay na namamasdan niya sa mundong ibabaw.

Everybody has the right to freedom of expression.

But when it comes to religion , it seems that we've become biased at nakakalimutan natin na ang bawat isa ay may sariling bersyon sa kung ano ang gusto niyang sabihin o ipahiwatig.

Sabi nga , the line that separates Religion and Freedom of Expression is a very thin line.

Kailan ba matatawag na sining ang isang bagay at kailan naman ito sasabihing sakrilehiyo?

In the first place , matatawag pa bang sining ang isang bagay kung hindi naman ito nagpapahiwatig ng tunay na saloobin ng isang artista?

Makatwiran ba na kapag may something na hindi maganda akong sasabihin tungkol sa diyos at relihiyon mo ay kimkimin ko na lang sa aking damdamin at huwag hayaang maibulalas ?

I'm not an art expert kaya hindi ko alam kung ano ang ibig ipakahulugan dito ni Mr. Mideo Cruz  sa kaniyang mga obrang ito.

But definitely he has his own explanation and reason kung bakit ganito ang interpretation niya.

Mahirap makipagtalo kapag Diyos at Relihiyon ang usapin at argumento.

Tiyak maraming magre-reak na panatiko at deboto.

Kaya pagdating sa ganitong usapan , kwidaw na lang tayo.

The bottomline is , igalang mo ang pananampalataya ko at igagalang ko rin ang sa iyo.

Ahhh , that's life here on earth.

Anyway ito ang kopya ng mga kontrobersyal na litratong nakuha ko mula  sa world wide web:




11 comments:

  1. Hello teh Edgar, Para sakin karapatan niya na iexpress abg art niya kaya lang karapatan din ng iba na ikondena ang kanyang art installations.Ang mga bagay na sagrado para sa mga katoliko ay nandyan para sa pagpapalalim ng pananampalataya natin period.Representasyon ito ng ating Diyos na karapat dapat sa pinakamataas na respeto.Kaya hindi katanggap tanggap kung gagamitin ang mga ito sa hindi kaaya ayang paraan.

    ReplyDelete
  2. hi edgar, for me, its not proper, kabastusan talaga yan. Hindi ka man Katoliko o kung anumang religion mayroon ka. i don't see any art sa ginawa niya. Dahil ba "artist" ka, excuse mo nang gawin ang ganoon. Hindi kaya may problema siya sa utak? Art? anong freedom of expression ang gusto niyang iparating? anong message mayroon sa ginawa niya? Well... galit din ako!

    ReplyDelete
  3. @Ateh Paul and Mam Terry - I respect everyone's opinion with regards to this one ... bow po ako sa inyo for freely expressing yourselves like what I am doing ... mabuhay po kayo !!

    ReplyDelete
  4. I only have two words for the artist:

    RESPECT and SENSITIVITY

    kahit naman ako demonyito hindi ganito ka-walang galang..pak! ;D

    ReplyDelete
  5. @demonyito , nicely said , alam ko namang may bahid ka din ng pagiging santito kahit isa kang demonyito chos ... he he he ... thank you ateh...

    ReplyDelete
  6. sister at kambal mo yang c Mideo Cruz kaya ganyan mag isip. ahihihihi.

    ReplyDelete
  7. Ika nga ni John Stuart Mill: The right to swing my fists ends where another man's nose begins.

    Oo, may karapatan siya magpahayag. Lahat naman tayo e. Pero paano naman yung karapatan ng mga tao na itinuturing na sagrado yung mga bagay na iyon?

    Hindi ako practicing Catholic, at di ako pabor sa mga rebulto at imahe. Subalit karapatan nilang ituring ang mga rebultong iyon na banal. Sana lamang, iyon ay nairespeto.

    Hinihikayat kita idol Edgar, pati ang mga kapwa ko na follower mo, na basahin ang aking blog tungkol dito sa isyung ito. I'm also open to the opinion of others as well.

    Eto po ang link sa blog ko:

    http://marloneviardo.blogspot.com/2011/08/politeismo-in-ccp-two-sides-of-coin-and.html

    ReplyDelete
  8. sister at kambal mo yang c Mideo Cruz kaya ganyan mag isip. ahihihihi.

    ReplyDelete
  9. Sa tingin ko may bitterness sa puso ng artist kaya ginamit sya ng dyablo para gumawa ng ganitong eskandalo. nawa ay mapatawad ng Panginoon ang kanyang kaluluwa.

    ReplyDelete
  10. @marlone ... okay lang po ... I respect each and everyone's opinion ... sige po babasahin ko iyong link ninyo
    @boyzun ... bruha ka talaga Romana ha ha ha ...

    @anonymous ... sa tingin ko rin nga po he he he ... tulad nga nang sinabi ko sa entry , may dahilan kung bakit ganito ang interpretation niya ... and it's up to us to look at it according to our perceptions ... kanya kanyang panlasa lang naman iyan eh ...

    ReplyDelete
  11. nakakaiyak.. ang sakit sakit..sino pa ba ang magtatanggol kay God kundi tayo ding mga nilikha niya.. kung rebulto at imahe kaya ng father niya ang nilagay nya jan.. im sure masasaktan father niya at magagalit sa kanya mga kapamilya nya. kahit ang freedom ay di perfect freedom kc may limit din, hindi naman ung simpleng rebulto lang eh na pwde niyang paglaruan ng kanyang imagination..we need to pray hard for this..

    ReplyDelete