Saturday, August 13, 2011

enter the dragon boat team Philippines

Pasok na  pasok sa banga ang Philippine Dragon Boat Team na humakot ng 5 medalyang ginto at 2 silver medal lang naman sa katatapos na 10th International Dragon Boat Federation racing championship event sa Tampa , Florida USA.

But what is ironic ay ayaw kilalanin ng bansang ito ang karangalang kanilang naiuwi sa kadahilanang hindi daw officially recognized ang sports na ito ng Philippine Olympic Committe at Philippine Sports Commission in particular.

At para bang nilagyan pa ng asin ang isang munting sugat , ay ang komento ng Executive Director ng POC na si Col. Jeff Tamayo na diumano'y " dapat nang mag-resign ang mga miyembro ng Dragon Boat Team dahil sila'y matatanda  at ampaw na "

Isang malaking hmmmmpppp!!!

Sino ang  ampaw sa kanila???

Meron bang ampaw na nananalo ng prestihiyosong mga medalya , hindi lang isa kundi pito sa isang international event???

Hoy world record ang hawak nila ano at hindi lang basta basta o putsu putsung award!!!

Saan nakuha ng opisyal na ito ang ganitong klaseng pag-iisip???

Nakakapag-tiim bagang naman itong iresponsableng pahayag na ito ng nabanggit na opisyal , aba'y hindi na nga nakakatulong , magkokomento pa ng mga kabugukan!!!

Mga utak talangka talaga.

Ahhh , dito talaga sa bansang ito , kung sino pa iyong nararapat bigyan ng karangalan ay siyang hindi kinikilala at tila ba tinatapakan at minemenos pa ang kakayahan huh!!

Buti na lang at kinilala rin ni Pnoy ang nagawang ito ng Dragon Boat Team eh kung hindi aba'y mag-istrike ang mga dragon sa Pilipinas .

Ang dapat dito kay Colonel ay paluin ng paddle sa puwet  at  sabitan ng mga tansong medalya sa leeg dahil palyado at dispalinghado  ang mga pahayag.

Nakakangilo ng ngipin ang kanilang asal huh!!!

To Philippine Dragon Boat Team , mabuhay kayo at saludo ang sambayanang Pilipino sa inyo.

Just keep up the good work at huwag intindihin ang mga sablay at walang magawa at masabing mabuti sa kanilang kapwa!!!!

2 comments:

  1. yup, we must support the PHL Dragonboat Team, even if our authorities find them old for an Olympic bet.

    ReplyDelete
  2. yes ... mareng green breaker ... go for the dragons tayo mare ...

    ReplyDelete