TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, August 23, 2011

BobOng Book Collections

Sa wakas at nakumpleto ko na ang 8 libro ng fave author kong si Bob Ong.

Sa unang aklat pa lamang niyang ABNKKBSNPLAko?! ay napabilib na niya ako at ang maraming mga mambabasang Pilipino.

At sa mga sumunod pang serye ng kaniyang mga anekdota ng pakikipagsalaran sa buhay ay hindi niya  binigo ang sambayanang Pilipino.

Bagamat iba iba ang level o antas ng pagtrato niya sa bawat libro , bawat isa ay may kanya-kanyang kulay at anyo na tipikal sa isang manunulat na Pilipino.

Ang nakakapanghinayang nga lamang ay hindi ako makapagpa- autograph dito kay Bob Ong . Ayaw kasing magpakita at magpakilala sa kaniyang mga fans at taga-suporta who I believe he owes a lot . Pa-mysterious effect , waaahhhh.

At any rate , heto ang mase-sey ko sa bawat libro in one word :


2001 ABNKKBSNPLAko?!  -  asteeeegggg
2002 Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? - witty
2003 Ang Paboritong Libro Ni Hudas - hellish
Alamat Ng Gubat - funny
2005 Stainless Longganisa - instructional
2007 Macarthur - adik
2009 Kapitan Sino -heroic
2010 Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan - creepy


3 comments:

  1. kompleto din ako ng mga libro ni Bob Ong.. hehe

    ReplyDelete
  2. parang photo ko ung nakadisplay. thebumupstairs

    ReplyDelete
  3. Hi Bino , nag -comment na ako sa blog mo .. please reply ...

    ReplyDelete