Wednesday, August 17, 2011

Bert and Ernie wants to get married


Usap usapan ngayon sa internet ang petsiyon ng isang grupo para sa Sesame Street upang  ipakasal na daw ang sikat at kilalang pares dito na sina Bert at Ernie .

Diumano ay kailangan nang aminin ng pamunuan ng Sesame Street na parehong bading at may relasyon ang dalawang ito kaya nararapat na silang ikasal.

Ang mga ebidensya : matagal na silang nagli-live in at naninirahan sa iisang bahay , natutulog sila sa iisang kuwarto , sabay silang maligo at lagi silang magkasamang naghaharutan.

Plus : si Bert  ay mahilig sa mga halaman at bulaklak at mga ibon ( pigeons and doves in particular ) samantalang si Ernie naman ay mahilig maglaro ng rubber duckie ( rubber dickie ang totoo he he ) .

Hayyy naku , minsan ang mga kafatiran natin ay wala na sa hulog ang utak , patulan ba naman pati mga cartoon characters , kalokah kayu ha .

Sabi nga ng PBS , wala silang sexuality dahil sila ay mga puppets. And they represent long lasting and beautiful friendships between two persons regardless of any sexual orientation.

Minsan kasi ay naghahanap lang ng karamay ang ating mga kafatid kaya pati sa mundo ng guni-guni ay nandadamay na sila ha ha ha.

Ang puwedeng mga bading at baklushi ay iyong mga mentor , gumawa at umimbento sa kanila dahil na-incorporate nila sa mga  obra nila ang kanilang sariling personality davah.

Naalala ko tuloy na nuong bata pa kami ng aking kapatid ay madalas kaming iparehas kina Bert at Ernie in terms of physical attributions.

Ako daw ay si Bert dahil sa ako'y matangkad na payatot nuon.

At ang aking kapatid ay si Ernie dahil maliit na chubby at cute.

After 4 decades , heto at pareho na kaming sing - dambuhala ni Snafulafagus samantalang ako ay natuluyan nang maging bading katulad ni Bert ha ha ha.

Heniwey highway , marami pang mga cartoon characters daw ang ikinukunsiderang badingarzie at kalahi namin . Heto ang listahan :

1.) Tinky - Winky of Teletubbies - eh di bat ibi-nan na nga  ito sa telebisyon nuon dahil sa pagpo-promote daw ng homesexual undertones sa mga bata. It's because Tinky -Winky wears a purple dress which is the color of gayness , has triangle on his head which symbolizes the same and always carries a purse.


2.) Sebastian The Crab - dapat daw ay lumabas na siya  sa kaniyang shell at mag-out.


3.) Spongebob Squarepants - na malamyang kumilos at mahilig makipag-bonding sa pink na starfish na si Patrick at kay Squid na mahilig sa bubble baths at classical music.


4.) Smurfs - lahat daw ng mga Smurfs ay sirena . Dahil iisa lang ang babae sa kanila , sila sila na daw ang nagyayarian ha ha ha.


5.) Velma Dinkley of Scooby Doo - na isa raw tomboy dahil mahilig magdidikit kay Daphne sa loob ng Mystery Machine at mayruong butch haircut .


6.) Bugs Bunny at Elmer Fudd - look at the pictures na lang mga teh .


7.) Piglet - dahil sa kaniyang pink color .

At marami pang iba .

The list is endless with names like Fred Flintstones and Barney Rubble na laging nagkukulong sa mga kuweba , si Casper na laging naka-foundation  , ang pamhintang si He - Man , ang laging walang salawal na si Winnie The Pooh at mahilig sa honey , ang astig na tomboy na si  Peppermint Patty of Peanuts , ang mala - In The Navy sailor na si  Popeye , ang magaling na mga tuberong sina Mario and Luigi at maging ang dynamic duo na sina  Batman at Robin ay may relasyon din daw !

Naman!

Oo na , kayo na  , kayo na ang mga bading.

Ang lawak ng sakop ng radar  ng imagination natin mga ateng ha ha ha.

Sabi nga ni Bugs Bunny "  What's Up , Dick ? "

2 comments:

  1. Jennifer Briones de PedroAugust 17, 2011 at 11:41 PM

    Haha,nkakatawa naman po yan! Mxad0ng pinapalawak ang lahat,hehe

    ReplyDelete
  2. @Jen Jen ... kumusta ka na diyan sa London?

    ReplyDelete