Tuesday, August 16, 2011

awkward moment ...

I feel awkward nuong isang gabi .

Nasa isang pagtitipon ako ng grupo ng mga mananambahan , nang biglang may itanong si Pastor.

Ang sabi niya , " sino dito ang mga nasa kabataan pa at wala pang asawa , single ikanga , itaas ang mga  kamay ? "

Hindi ako nagtaas ng kamay.

Sunod na tanong niya , " sino naman dito ang mga matatanda na may asawa't mga anak at maaaring meron na ring mga apo ? "

Hindi pa rin ako nagtaas ng kamay ko .

Sa loob loob ko , " putsa , eh saan ako kagrupo ?? !!"

Pihadong kung mayruong nagmamasid sa akin nuong gabing iyon ay tiyak na magugulumihanan sa akin at ako'y pagtatawanan.

Saang grupo nga ba ako kabilang?

Hindi na ako bata dahil marami na akong uban , napapanot na ang aking buhok  at marami ng pileges at kulubot sa aking balat at mukha .

Pero hindi pa rin naman ako masasabing matanda na  dahil wala pa naman akong asawa at mga anak o kaya'y apo.

Eh ano ako ??!!

Matandang walang asawa at mga anak??

Matanda na pero single pa rin ??

Matandang bakla ??

Yun na , ah ewan !!!

6 comments:

  1. hehe! kaya ka pala nalito dahil hnd mo nga alam saan ka belong sa sinabi ng pastor.

    ReplyDelete
  2. @mommy razz ... oo nga mommy , kakalito talaga , feeling ko nun I don't belong to any he he he

    ReplyDelete
  3. Tawag sau MATANDANG BUTETE

    ReplyDelete
  4. hi edgar, funny pero sad din ano. the reality of life. I have also many friends na still single, some are gay, may ibang ayaw sigurong aminin. May pagkakataon na masaya, tapos pag malungkot, tatawagan ka at maglalabas ng mga sentis, mga puedeng mangyari at mga kung anu-ano pa. Just enjoy life, kasi lahat naman tayo eh nakikiraan lang. Mag-asawa o hindi iisa ang pupuntahan, though iba yung may kasama ka. Minsan, it's a matter of choice. enjoy, be happy, be healthy. marami namang friends.

    ReplyDelete
  5. @ Mam Terry Bagalso ... Ah ... thank you very much po mam sa encouragement ... salamat po dahil sa patuloy na pagtitiwala ninyo sa akin .. God bless po ... paki-wait lang po iyong draft ng book .. ginagawa ko pa rin po eh .. busy pa rin he he ...

    ReplyDelete