TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, August 2, 2011

Ate , Kuya , Diko , Sangko atbp.

Nakakaaliw namang malaman ang mga katawagan natin para sa ating mga kapatid .

Mayruon palang sibling hierarchy na tinatawag.

Akala ko nuong una  ay simpleng ate at kuya lang ang tawagan natin para sa ating mga kapatid .

Meron pa palang iba .

Kung hindi ako nagkakamali , ang alam ko ay sa mga Intsik natin natutunan ang ganitong mga salita ng paggalang sa mga kapatid natin.

Actually nuon pa ay naririnig ko na itong madalas  na tawagan ng mga  magkakapatid na Bulakenyo ngunit hindi ko lang gaanong pinapansin.

Ayon sa tradisyon ang ATE at KUYA ay ang tawag para sa pinakamatandang kapatid natin na babae at lalaki .

Ang pangalawang sumunod na kapatid ay tinatawag na Ditse kung babae at Diko kung lalaki.

Ang pangatlong sumunod na kapatid ay may katawagan namang Sanse para sa babae at Sangko para sa lalaki.

Samantalang ang pang -apat na na kapatid ay may katawagang Sitse para sa babae at Siko para sa lalaki.

Hindi ko na alam kung mayruon pang kasunod na katawagan para sa panglima at pataas na bilang.

Ang mga katawagang ito ay hiniram natin mula sa mga Intsik na mahilig sa ganitong mga terms of endearment para sa kanilang mga kapamilya at mahal sa buhay.

Sa amin naman , dahil dadalawa lang kaming magkapatid ay ate at bunso lang ang tawagan namin.

Este , kuya pala hi hi hi hi.

Naalala ko na nuong bata pa kami ay palaging " Kuya Ko " ang tawag sa akin ni bunso.

Na para bang mawawala o kaya ay aagawin ako sa kaniya .

Subalit nang lumaki na kami ay natuto na rin siyang tawagin akong  " Kuya Edgar "

At ngayong nalaman na niyang ako pala'y isang true blooded sirena , " Ate Edgar  " na ang pang- tawag atensyon niya sa akin ho ho ho .

Nito lang isang araw , sa harapan ba naman ng maraming tao ay sukat ba namang tawagin akong " Sis " !

Imbyerna aketch !

Char  ha ha ha ha.

Ang totoo , kinilig ako.

Joke....

8 comments:

  1. haha, ang funny lang nung last part! hahaha


    anyway. naalala ko to tinuro dati sa HS eh. buti ikaw naalala mo pa yan.

    ReplyDelete
  2. thanks green ... yes naalala ko pa nung may magsabi sa aking ako daw ang kaniyang ditse at inso ha ha ha ...

    ReplyDelete
  3. ang kire mo teh>>>

    ReplyDelete
  4. @ Rj ... ha ha ..ako na ang kiri teh ..inaamin ko yan ha ha ha ...

    ReplyDelete
  5. Thanks for this. Assignment ng bunso ko. - RedAxl

    ReplyDelete
  6. kakatuwa naman to =)
    sayang di na gaano eto maririnig ngayon

    ReplyDelete
  7. TATLO ANG ANAK KO DALAWANG MAGKASUNOD NA LALAKI>>> at bunso ko babae.. diko ang tawag ng bunso ko sa pangawala at kuya pa rin ang pangay. mas maganda kasi hindi ako nalilito kung sino ang tinutukoy niya.

    ReplyDelete
  8. Grabe sya oh. Hahahahaha.

    ReplyDelete