Saturday, August 6, 2011

Ang alamat ng aking blog design

Sa mga matagal nang sumusubaybay sa blogsite na ito , marahil ay napansin n'yo na ang mga pagbabago sa content ng aking blog layout. Nais kong maging personal ang mga touch sa lay-out nito kaya naman mega make-over ang drama ng lola n'yo sa design ng aking blogelya.

Well , sabi nga nila ,lahat naman ay may kahulugan eh , so heto na ang mga hidden messages ( ala backmasking ba etu ? ) ng mga bagong ka-ek ekan sa aking blogelya.

Simulan natin sa title ng aking blogsite. Napansin n'yo bang ito ay nakaletra in black and white?

Edgar Portalan's Daily B.I.T.E.S.

Balita , Impormasyon at Talakayan of Everything under the Sun. Sari saring balitaktakan ng kahit ano sa buong uniberso. Araw araw ang chikahan at huntahan. Walang tigil 365 days a year. This is your daily source of kuwentuhang walang preno. Our day starts here. Come and let's have a B.I.T.E.S.


Well , ang eternal meaning ng colors na iyan ay good and bad davah. And that's what I am . A mixture of negative and positive.Parang Yin at Yang lang ba. Sina Julio at Julia ? It's because I'm neither here nor there. Hindi naman ako ganuon kasama like Selina na pumapatay at nanununog ng kapwa  tao. But with all honesty and frankness , hindi naman ako ganun ka too good to be true na puwede nang sabitan ng halo sa ulo. I'm not holier than thou . At hindi ako plastikada at ipokritang tao para aminin yan . In short , sakto lang ang pagkatao ko , sabi nga ng kaibigan kong boylilet he he he. I have some bitchiness and naughtiness in my vein. And if you like to  call it badness , then so be it . But on the other side , I also have some hint of inherent goodness in my heart . But not that good na puwede na akong iproklamang Santo ng Vatican hi hi hi. Ayokong magpaka above and beyond ng kasamaan at kabutihan . Sakto lang dapat ha ha ha.

And that's the reason for the black and white title font color.

Getz?

Pangalawa , ay tungkol naman sa picturaka sa aking blog title which is an apple with a bite.


Maraming ibig ipahiwatig ito para sa akin kaya ito ang aking napiling maging logo ng aking blogsite.

Bakit may kagat?

Because my site is a daily  B.I.T.E.S. debah naman . Thus , it speaks for itself.

And why the apple?

May kasabihan nga na " an apple a day keeps the doctor away. "

So it will came to mean that reading my B.I.T.E.S everyday is a healthy habit , davah naman .

I am pro - health also and believes in healthy living . I always believe in the saying that health is wealth. So , an apple image is the best choice for promoting healthness and wellness.

Apple is also the symbol of gravity.

Gravity always keeps your feet on the ground . Always humble and low profile.

And that's  what's best  exemplifies my personality.

I always remember that humility is a virtue.

Plus , apple also is the symbol of men acquring knowledge and wisdom.

Remember the story in the Garden of Eden? Of  Eve being tempted to eat the forbidden fruit of knowledge and wisdom? And that fruit is said to be an apple.

And if  I may add , apple also can be seen as the beginning of the fall of man into sin. Giving in to lust.

And that's what I am , lustful and sinful in nature he he he.

Charot lang.

And then lastly , ay ang aking blog layout na colorful pebbles and stones.

Colorful because masarap at malamig sa mata. For me , anything na colorful is pleasurable. Ang sarap tingnan. Just like the rainbow . Makulay.

And the fact is , I am a rainbow he he he.With rainbow being the sign of gayness. Because ang mga bakla ay makulay davah.

And why pebbles or stones?

Stones are  a symbol of hindrances and obstacles.

Masakit sa paa ang mga mumunting bato.

Ang sabi nga , hindi ang mahabang paglalakad sa kalsada ng buhay ang makapagpapasakit sa paa at talampakan mo. Kundi ay ang isang munting bato na nakaipit sa sapatos mo.

Life is full of small pebbles and stones . Maraming balakid , maraming hadlang.

But come to think of it , kapag pinagsama-sama mo ang mga mumunting batong iyan at inilatag sa daan , makakagawa ka ng isang makinis at maluwang na kalsada na puwede mong tahakin ng matuwid upang maging maalwan at komportable  ang paglalakbay mo sa landas ng buhay!

At sabi pa , konting bato , haluan ng semento , monumento na at mall he he he.

Korni!

Epek ba mga kapatid??!!

At iyan po ang alamat ng aking blogsite design .

Happy reading!

2 comments:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  2. Bongga ng explanations mo huh. Very symbolic. Relate ako dun sa rainbow eklat, yun din kasi ang reason kung bakit may rainbow touch ang blogey ko.

    Pebbles pala yon!!! Syet. All I thought they are colorful candies like nips or whatevs na parang ang sarap kagatin and has something to do with EP B.I.T.E.S. Alam mo bang matagal ko na 'yang pinagtatakaman kasi they look like sweet and crunchy tapos ngayon malalaman kong mga bato lang pala. Ha ha ha.
    #MalingAkala
    #NapadpadLangHere

    ReplyDelete