TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, July 6, 2011

Rafa Santos on theater actors

Binabatikos ang umano'y iresponsableng pahayag ni Rafael " Rafa " Santos , isang baguhang indie filmmaker at anak ni Attorney Katrina Legarda , sa isang interview patungkol sa mga actors na gumaganap sa entablado.

Nang tanungin kung bakit kumuha siya ng mga theater actors para gumanap sa kaniyang indie film na Samarito   , ang sagot niya ay  "Personally, I find the theater actors better to work with because they don't complain, you can feed them Sky Flakes three meals a day, and pay them in catfood, basically."

Umani ng samu't saring batikos at puna mula sa mga theater groups and supporters ang nakakainsultong pahayag na ito Rafa.

I personally don't have any idea about theaters. And admittedly , hindi ako masyadong fan ng teatro , unlike sa sine o pelikula na talagang ultimate follower ako. Sa tutoo lang , ni hindi pa nga ako nakapanuod ng isang tutoong theater play or act maliban na lang sa ilang mga maiiksing plays and shows sa stage sa aming school nuon.

But sincerely , I am one with the theater people sa pakikiisa laban sa pahayag na ito ni Rafa . I understand and sympathize with them. Masakit nga naman ito para sa mga taga- teatro na dugo at pawis  ang iniaalay mabuo lamang ang isang palabas na pihadong kaaaliwan ng mga manunuod.

Kahit hindi ko ito kabisado , sigurado ako na madugo ang magtanghal sa isang entablado.

I can say that you must truly love this art in order for you to survive doing this . At least dito sa Pilipinas na hindi masyadong tinatangkilik ang teatro unlike sa Amerika at ibang panig ng mundo na buhay reyna ang mga taga teatro.

Hindi biro ang passion , hardwork , love and determination ng mga taong involve sa ganitong uri ng presentation na kanilang pinupuhunan mabuo lamang ang isang obra ng kanilang isipan.

At hindi maitatatwa na malaki rin ang naiaambag nito bilang isang sining sa bansa.

But on the other side of the coin , on the positive side , it has become an eye opener also , at least to those person na walang gaanong alam sa ganitong kalakaran. Na nalaman naming ganito pala ang mga nangyayari sa likod  ng palabas sa entablado.

Sa kabilang banda , maaaring may hint of truth  sa tinuran ni Rafa kaya marami ang umalma.

Ang sabi nga mismo ni Eugene Domingo na isang magaling na komedyante at minsan na ring nanggaling sa teatro  ay " the truth hurts "

Anu't anuman  nawa ay magsibi itong antibiotic upang magamot ang kung anumang sakit meron ang  industriya ng teatro dito sa Pilipinas.

Basta ito lang ang masasabi ko : masayang masaya ang SkyFlakes at Whiskas dahil dito !

Yun na!

No comments:

Post a Comment