TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, July 5, 2011

Punching Sara

Masyadong matapang at palaban pala ang anak ni dating Davao City mayor Rodrigo Duterte na si current Mayor Sara Duterte dahil nagawang sapakin at upakan ang sheriff ( Abe Andres ) during a demolition order sa isang baranggay sa nasabing lungsod.

Aba at kitang kita sa Youtube video ang ginawang pananakit ni mayor na mistulang si Pacman kung umatake sa kaniyang kalaban.

Nakalimutan yata niyang isa siyang public servant at dapat ay siyang nagpapagaya ng kagandahang asal sa kanyang mga constituent at hindi iyong umaastang siga at maton sa kalye.

Hindi yata naniniwala si mayor Sara sa salitang diplomasya at dayalogo kaya niya nagawang umbagin ang nasabing kawawang sheriff .

Dapat pala ay sa boxing ring at hindi sa political arena sumabak itong si mayor eh. Kawawa naman ang asawa nito , baka manginig na ang tuhod sa takot ngayong nalaman niyang may humaharurot na kamao ang kaniyang esmi.

Hmmm , at mukhang sumasablay pati ang erpat na si Vice Mayor Rodrigo Duterte dahil nag - dirty finger naman sa harap ng kamera.  Nabansagan na tuloy sila ngayong Du-dirty Finger.

Heto ang video ng mala- FPJ  na pambibigwas ni mayor kay sheriff.

No comments:

Post a Comment