TRAVELBOOK NOW!

Friday, July 8, 2011

Paalam Lizzie Santos

Nabigla  naman ako nang  i- google ko ang pangalan ng aking mentor para sa creative writing na si Lizzie Santos.

Dahil malagim ang entry na bumungad at lumabas  sa aking pagsi-search.

Kaya pala hindi na siya nagre-reply sa mga email ko sa kaniya.

Nang mabasa ko ang librong kaniyang sinulat na " Straight From The Horses Mouth:Mga Idiomatic Expressions sa Ingles at ang Kahulugan sa Pilipino " , dagli kong kinuha ang email ad na nakasaad sa libro upang siya ay sulatan.

Matagal na rin kasi kaming walang communications simula nang matapos ang aming workshop.

Pero wala akong sagot na natanggap.

Akala ko ay busy lamang siya kaya hindi niya nasasagot ang aking mga liham.

Muli ko siyang sinulatan for the second time.

May kasama nang emote at tampo dahil hindi talaga siya sumasagot.

Sabi ko , baka hindi na niya ako kilala o natatandaan bilang naging estudyante niya .


And nag-attempt ulit akong sumulat  for the third time.

Still , wala pa ring reply.

Tampo na talaga ako dahil dedma  ang lola nyo sa akin huh .

I forwarded another email for the fourth time.

Pero wala pa rin.

Hanggang nuong isang gabi nga ay tri-ny kong i-google siya at heto ang tumambad na artikulo  sa akin. Mula sa blogsite ni Randy Valiente na naging kaklase ko rin nuon sa nasabing creative writing wokshop and sessions sa Quezon City Circle . Heto ang artikulo:
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

PAALAM, LIZZIE SANTOS


Malungkot ko pong ibinabalita sa inyo na pumanaw na kaninang madaling araw ang komiks/feature writer at book author na si Lizzie Santos dahil sa lung cancer.

Si Lizzie ay nakapagsulat sa GASI, Atlas at Counterpoint noong buhay pa ang mga publikasyong ito. Naging kasamahan ko siya sa unang writing workshop ng Precious Hearts Romances noong 1995, mula noon ay naging kasama at kaibigan ko na siya sa mga writing gigs hanggang itayo namin ang 1am (No. 1 Artist Movement) noong taong 2000 kasama ang isa pang romance writer na si Michelle Vito.

Nitong mga nakaraang taon ay nag-concentrate na siya sa paggawa ng libro at pagsusulat sa mga writing sites sa internet. Huli kaming nag-collaborate noong 2005 nang ilabas niya ang 'Mga Idiomatic Expressions sa Ingles at Kahulugan nito sa Pilipino' na inilabas ng National Bookstore Publication.

Noong isang linggo ay tumawag pa siya sa akin dahil gusto niyang magkita-kita kami, nagkataon naman na marami akong ginagawa kaya sinabi kong hindi ako makakarating. Hindi niya kasi sinabi na malala na pala ang sakit niya.

Ang labi ni Lizzie ay kasalukuyang nakaburol sa Funeraria Paz sa Araneta Ave.

Paalam, Lizzie. Maraming salamat.

(Ang larawan sa itaas: Lizzie Santos, ako, at pintor na si Dennis Miguel, pagkatapos ng painting exhibit ni Dennis sa CCP noong 2006)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sayang , mabait na  tao pa naman si Mam Lizzie.

At siya ang nag-encourage at  nagturo sa akin kung paano  maging isang malikhaing manunulat.

I will surely miss her.

Paalam Miss Lizzie.

Salamat sa lahat ng itinuro mo sa akin at sa amin!

No comments:

Post a Comment