TRAVELBOOK NOW!

Friday, July 1, 2011

Paalam Jo Ramos Samartino

Nabigla tayo sa balitang pumanaw na ang pangalawa sa limang babaeng anak ng dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Amelia " Ming " Ramos na si Josephine " Jo " Ramos Samartino sa edad na 54 dahil sa sakit na lung cancer.

Diumano ay inilihim ng anak sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa  sakit nito kaya tila walang naging balita ang masa sa pinagdadaanang krisis ng nasabing isa ring magaling na singer at atleta ng ating bansa.

Nakakalungkot namang isipin ito dahil marami pa rin talaga ang nabibiktima ng kanser sa ating bansa lalo na ang sa baga na dulot ng walang tigil na paninigarilyo ng marami sa atin.

Sa pamilya ni Pangulong FVR , nakikiramay po ang pitak na ito sa maagang pagyao ni Jo Ramos.

She is survived by her 17 year old son Sergio with her former husband actor Lloyd Samartino. 

Condolence!

No comments:

Post a Comment