TRAVELBOOK NOW!

Saturday, July 16, 2011

Dito Sa Pitong Gatang

Thanks to Kapamilya Blockbusters ng Channel 2 at muli nating nabibisita ang mga good old Tagalog movies of yesteryears.

At nuong isang araw ngang maulan ay napanuod ko ang lumang pelikula ni FPJ na Dito Sa Pitong Gatang .

Pitong Gatang is an actual street located in Tondo ,  Manila.

Nakakatuwa namang panuorin ang pelikulang ito dahil tunay na wala pa ring kupas ang klasikong ito ni Da King.

Napakasimple ng mga pelikula nuon na walang magagarbong mga disenyo kaya nakaka-relax sa mata.

Hindi katulad ngayon na halos  maduduling  ka na sa katititig dahil sa garbo at gara nang makukulay na mga produksyon.

Minsan nakakaumay na rin.

Ang babata pa dito nina Robert Ortega , Harlene Bautista at ang sexy at magandang si Nanette Medved.

Napasin ko lang na halos karamihan sa mga casts ng pelikula ay namayapa na at wala na sa ating tabi tulad ng mismong bida na si FPJ at pati na sina Dencio Padilla , Paquito Diaz , Larry Silva , Max Alvarado , Renato Del Prado , Prospero Luna at ang umawit ng theme song na si Fred Panopio.

Maging ang direktor nito na si Pablo Santiago at scriptwriter na si Pablo S. Gomez ay pawang nagsipaglangoy na rin kasama ng mga isda.

Nakaka - miss din sila.

Mga pelikulang napanuod ko nuong aking kabataan .

Mga pelikulang pinaglumaan na ng panahon.

Mga pelikung nagpapabalik sa ala-ala ng kahapon.

4 comments:

  1. Nais ko lang ipahiwatig ser, dumadaan ako sa inyong blog. Salamat sa pagtangkilik. Ikaw ang koneksyon ko sa mundong aking naiwan. :)

    ReplyDelete
  2. @ Mommy Razz , wala ring balita eh ... san na nga kaya siya ?

    @ Mugen ... thank you naman po ... salamat sa pagdaan ... at sa pag-iwan ng bakas he he he ... follow mo naman po ako ... thanks again ... God bless ... stay connected

    ReplyDelete
  3. Watch NEW PINOY MOVIE and LIVE TV here in HD CLICK HERE

    download NEW PINOY HD MOVIE application for ANDROID CLICK HERE

    download NEW PINOY HD MOVIE application for IOS apple device CLICK HERE

    LIKE US ON NEW FB PINOY HD MOVIE UPDATE

    ReplyDelete