TRAVELBOOK NOW!

Friday, July 29, 2011

at 27

Mayruon palang grupong kung tawagin ay Club 27 .

Nope hindi po ito grupo ng mga negosyanteng nagpapautang ng 27,000. O ng mga  estudyanteng may mga gradong 2.7 sa kanilang report card . O grupo ng mga bansang tinamaan ng magnitude 2.7 na lindol . O samahan ng mga bakla at tomboy  na nagkaruon na ng 27  mga syota. O ng mga bloggers na may pageviews nang higit sa 27,000 .

Actually , ito ay isang grupong itinatag bilang pag-alaala sa mga musicians and singers na namatay sa edad na 27.

Opo , tungkol sa kamatayan ang grupong ito.

Aba , nakakalula at marami-rami na rin pala ang naging miyembro ng grupong ito.

At ang nakakapagtaka ay karamihan sa kanila ay mula sa mundo ng rock music.

Heto ang ilan sa mga prominente at sikat na napabilang sa grupong ito:

Brian Jones - guitarist and founder ng bandang Rolling Stones . Namatay sa pagkalunod diumano sa swimming pool nuong July 3 , 1969.

Jimi Hendrix - singer and songwriter , namatay dahil sa pagkalunod sa sariling suka matapos uminom ng sleeping pills at alak nuong September 18 , 1970.

Janis Joplin - singer and songwriter , namatay dahil sa heroin overdose nuong October 4, 1970.

Jim Morrison - frontman ng bandang The Doors , namatay dahil sa heart failure nuong July 3 , 1971.

Kurt Cobain - lead singer , guitaritst and songwriter para sa bandang Nirvana , nag - suicide nuong April 5 , 1994 .

At marami pang ibang mga pangalan sa larangan ng musiko ang naisali sa grupong ito katulad nila Louis Chauvin, Robert Johnson, Nat Jaffe, Jesse Belvin, Rudy Lewis, Malcolm Hale, Dickie Pride, Alan ‘Blind Owl’ Wilson, Arlester ‘Dyke’ Christian, Linda Jones, Les Harvey, Ron ‘Pigpen’ McJernan, Ro­ger Lee Durham, Wallace Yohn, Dave A­lexander, Pete Ham, Gary Thain, Cecilia, Helmut Kollen, Chris Bell, Jacob Miller, D. Boon, Alexander Bashlachev, Jean-Michel Basquiat, Pete de Frei­tas, Mia Zapata, Kristen Ptaff, Richey James Edwards, Stretch, Far Pat, Freaky Tah, Sean Patrick McCabe, Rodrigo Bueno, Maria Serrano, Jeremy Michael Ward, Bryan Ottoson, Valentin Elizalde, Orish Grinstead , Lily Tembo at Jonathan Brandis

Lahat sila ang common denominator ay pumanaw sa edad na 27!!

At nitong July 23 , 2011 ay bagong napasama sa listahang  ito ang English singer na si  Amy Winehouse na natagpuang patay sa loob ng kaniyang bahay dahil diumano sa hinihinalang drug overdose.

At dahil na rin sa pagiging sikat at kilala ng club na ito ay marami tuloy ang nagaganyak na gustong mapabilang dito  .

Ayon sa balita , sinadya umano ni Kurt Cobain na kitilin ang kaniyang sariling buhay sa edad na 27 para lamang mapabilang sa grupong ito. Nuong nabubuhay pa umano ito ay lagi niyang nababanggit na gusto niyang mapabilang sa grupong ito. At nangyari nga.

O baka  sa inyo mayruong gustong magpamiyembro ??

Magpalista na  ...





To all those who died at the ripe age of 27 .... may you all Rest In Peace ....

No comments:

Post a Comment