TRAVELBOOK NOW!

Monday, July 11, 2011

Ang Malas(a)wang Mga Billboards?

Naghuhumiyaw ang mga hot na billboards na ito ng mga miyembro ng Philippine Volcanoes Rugby team na ikinabit  sa kahabaan ng EDSA sa may Guadalupe na mula naman sa Brench ad.

Naghuhumiyaw ang mga pose at attire mula sa  nasabing mga billboards.

At ilang araw lamang matapos itong ikabit ay binaklas naman ng butihing mayor ng Mandaluyong na si Benhur Abalos dahil daw sa maraming mga reklamong natanggap laban dito.

Malaswa raw at totally offensive sa mata ng mga batang nakakakita at mga  conservatives.

Todo alma naman ang sangkabadingan at ang sangkababaihan dahil sa pangyayaring ito.

Sa ganang akin , wala namang masama sa mga billboards na ito ng Bench.

Mas marami pa ngang iba diyan ang mas malaswa ang pagkakalagay pero hindi naman pinupuna.

And depende naman kasi iyan sa tumitingin.

Kahit balot na balot ang isang imahe na ipapakita sa iyo kung sa isipan mo naman ay tila hinuhubaran mo na ito , waley pa rin.

Whereas kung nakahubad nga at hindi mo naman ito tinitingnan as something na malaswa , wholesome pa rin itong lalabas . just like the nude paintings ng ating mga great artists na hindi ka malilibugan.

It's all in the mind ikanga.

But then again , hindi naman lahat ng tao na dumadaan sa EDSA ay biniyayaan ng artistic eye na nakakakita ng mga detalye sa mga litrato imbes na ang kahubdan  nito.

Hindi rin maipagkakaila na distractions na maituturing  sa ilang mga dumadaan lalo na duon sa may mga dirty and green minds .

Hindi naman kasi lahat nang nakakakita diyan ay pure and innocent ang utak . Mas marami sa hindi ang marurumi ang isipan at imahinasyon lalo na at very suggestive and provocative ang isang shot ng  litrato.

Sa isyu naman ng mga batang nakakakita dito , kaya nga nandiyan ang magulang ay para gabayan sila sa lahat ng uri na kanilang namamasdan kapag sila'y nasa kalsada.

After all , baka hindi ninyo alam ay mas malala pa ang mga binibisita nilang site sa internet kapag sila'y mag-isa at  walang child restrictions ang inyong mga computers.

The bottomline is , gabay pa rin ng magulang ang kinakailangan para sa mga bata.

Ah ewan , basta ako nag -enjoy at ngayon ay nanghihinayang he he he .

Hmmm , di bale dito ko na lang sila sa site ko ikakabit  para at least walang magtatanggal at magbabawal he he he.


( Latest update : pati ang mga billboards and streamers ng ilang mga models and artists na medyo masagwa daw ang pagkakakuha , lalaki o babae man ,  like those wearing in underwears and undergarments ,  ay ipinatanggal na rin ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa EDSA at iba pang mga highways . Dapat lang para walang bias. Labu-labo na 'toh. Damay damay na.   )

2 comments:

  1. "Hindi naman kasi lahat nang nakakakita diyan ay pure and innocent ang utak . Mas marami sa hindi ang marurumi ang isipan at imahinasyon lalo na at very suggestive and provocative ang isang shot ng litrato." tlga?? kahit anung sabihin mo malaswa padn ang mga larawan na un. hnd porket undrwear ang produktong ibinebenta nila kailangan na nilang mag post ng gnyan sa edsa. pampublikong daanan ang edsa madaming tao at sari-sari ang dumadaan dun .. ok cge sabihin natn wala tlga sau un pero sure k b na halos karamihan dun katulad ng pag iisip mo???...

    "Sa isyu naman ng mga batang nakakakita dito , kaya nga nandiyan ang magulang ay para gabayan sila sa lahat ng uri na kanilang namamasdan kapag sila'y nasa kalsada." bakit sa lahat b ng oras andyan sa tav nila ang mga magulang nila???

    qng galit kau o ayaw nyo sa ginawa ng MMDA sa pag tanggal ng mga malalaswang billboard wag na kau umangal bakit hnd b buo ang araw nyo qng hnd nyo makita un?. at isa pa my nakitang problema ang mayor at MMDA sa pag lalagay ng malalaswang billboard tulad nga sa mga bata, sa mga driver na dn na dumadaan imbes na sa kalsada tumingin napapasulyap sa mga nag seseksihan na babae sa billboard na pwd dng ikauwi sa disgrasya.. kaz parang ganito yn ee qnyari sa gatas qng my nakita cla na dipekto sa gatas na maaring ikasama sa kalusugan ng mga iinom nito natural ipapatigil at kukunin nila ang mga gatas sa merkado upang wlang magawang pinsala pa.. ganun dn un sa billboard

    ReplyDelete
  2. Sabi nga ni Pink Panther : " 'Nuff said "

    ReplyDelete