TRAVELBOOK NOW!

Monday, June 6, 2011

My Extraordinary SMART Life

 My Extraordinary SMART Life

Ramel Briones

Eversince una akong nagkaruon ng cellphone at kinailangang bumili ng isang SIM Card para dito ay SMART na ang pinili ko . Iyon ay nuong taong 1999.

Natatandaan ko pa , Globe ang uso at numero uno nuon pagdating sa SIM Card provider. If I'm not mistaken , nuong mga panahong iyon , number two pa lamang ang estado ng SMART bilang isang SIM card provider. Ang usap usapan nga nuon , Globe ang SIM Card ng karamihan dahil ito raw ay pang sosyal at pang -mayaman.

Ang SMART daw ay pang-masa at pang-mahirap lamang sabi nila. Kapag ang SIM Card mo nga nuon ay SMART at ang unang apat na numero ng SIM mo ay 0920 , medyo mababa ang tingin sa iyo ng ibang naka Globe daw huh!

That was in the 1990's .

Pero tingnan mo nga naman , after more than 10 years , heto at SMART na ang number one ngayon pagdating sa Mobile Phone technologies.

At hindi lang iyan , pati sa Computer Technology ay lumelevel up na rin ang SMART sa pamamagitan ng kanilang SMART BRO.

At hindi na lang siya ngayon pang - masa , kundi pang - sosyal na rin , debah naman.

Ibig sabihin , pang buong bansang Pilipinas na que ano pa ang estado ng iyong buhay !

Para siya sa lahat ng Pilipino!

Simula nang makuha ko ang aking SMART number na nagsisimula sa 0920 , ni hindi man lang sumagi sa isip ko na palitan ito ng ibang numero o ng ibang SIM Card , kahit pa nga ang ibang provider ay nag-ooffer ng kung anu - anong promo at diskwento para sa mga services nila para sa tawag at text.

Katwiran ko , ito na ang numero na alam ng lahat ng mga mahal ko sa buhay , kaibigan at kakilala ko. So bakit pa ako magpapalit? And besides , kuntento naman ako sa serbisyong ipinagkakaloob ng SMART , so walang rason para mag-iba ako at magpalit ng aking SIM Card na ginagamit.

Minsan na nagkaruon ng problema dahil ang aking SIM Card ay na- block nang aksidenteng magkamali ako ng pagpasok ng password sa aking cellphone, daglian ko itong dinala SMART Wireless Center at ang kanilang ginawa ay pinalitan lamang nila ang aking SIM , free of charge , kung saan ay na-retain ko pa rin ang aking pinakamamahal at iniingatang numero na aking dadalhin hangggang sa aking kamatayan.

Nang magkaruon ng pagkakataon na kami ay maka-avail ng computer at kailangang pumil ng Internet Provider na magsisilbi sa aming pangangailangan , SMART BRO pa rin ang aming pinili.

Ngayon ay nagagamit na namin ito para sa aming munting negosyo ng isang Internet Shop.

At hindi lang iyan , nagpapaload na rin kami gamit ang aming SIM Card kung saan ay kumikita kami ng pera dahil sa dami ng nagpapa-load sa amin na SMART users.

Actually , dalawa ang SMART Simcard ko . Ang isa ay ginagamit ko para sa personal . At ang isa naman ay ginagamit ko para sa aming loading business.

Saan ka pa makakahanap nang ganiyang pangangalaga at pagmamahal kundi sa SMART lamang at wala nang iba.

Mula nuon hanggang ngayon , SMART lamang ang aking natatanging kaibigang maaasahan pagdating sa teknolohiya at inobasyon.

SMART , you've made my life extraordinary!

No comments:

Post a Comment