Saturday, June 25, 2011

Free Parking Law inihain na..


A breath of fresh air itong balita na inihain na sa kamara upang pagdebatehan at alalaon baga'y maisabatas ang panukalang gawing libre at least sa unang tatlong oras  ang pag - parking ng mga sasakyan sa mga malls,  simbahan , ospital , hotel , schools at iba pang mga establisimyentong katulad nito.

Ayon sa balita , ang  House Bill 4535 ni Alagad partylist Rep. Rodante Marcoleta ay nakahain na sa Kongreso at magsisimula nang pag-usapan hanggang sa ganap na maging batas.

Dapat lang hano , aba'y kumikita na nga sila dahil sa pagbisita natin sa lugar nila eh sisingilan ka pa ng parking fee dahil sa ipinarada mo ang sasakyan mo sa kanila.

Eh saan ipaparada ang sasakyan para makapunta sa kanila aber?

Sa kalsada.?

Dapat eh extra customer service ito ng mga negosyanteng iyan noh , lalo na ng mga dambuhalang mall owners.

Mistulang ginigisa tayo nito sa sarili nating mantika.

Tayo na nga ang nagpapatronahe ng kanilang mga kalakal eh , tayo pa ang hinuhuthutan ng pera para maiparada lamang ang ating mga sasakyan.

Para bang kasalanan ko pa ang magka-sasakyan ako at pumunta sa kanila at kailangan ko pang bayaran ang space na ookupahin ng ipinarada kong behikulo. How absurd.

Isabatas na iyan , wala nang deba- debate . Tiyak walang kokontra diyan.

I'm sure aprub agad ang batas na iyan.

Korek at check na check.

Huwag lang mag-lobby ang mga mall owners para ito ay harangin!

Por Diyos por santo!

No comments:

Post a Comment