TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, June 22, 2011

Facebook murder

Nakakapanghilakbot naman ang headline nuong isang araw sa isang tabloid:

" KA-FACEBOOK KINATAY NA PARANG BABOY "

Aba at two in a row na ito after Ricky Rivero's stabbing incident by a man whom he had met via Facebook.

And this time ay isang babae naman ang biktimang nakilala sa pangalang  Malou Dominguez-Laquindanum na nagtatrabaho sa Itech Call Center.

Diumano ay iginapos sa kamay at paa  at tinakpan pa  ng kumot ang mukha saka pinagsasaksak ng 26 na beses ang kaawa-awang biktima na natagpuang nakadapa sa kama nito.

Ayon sa report ay nakilala ng biktima ang suspek na nagngangalang" Rafi " sa FB at diumano'y naging  BF nito.

Hanggang sa mag-meet up nga sila sa boarding house nito at duon ay tila nag-party at nag-inuman sila ayon na rin sa huling mga FB status nito.

Diumano ay maraming mga isinama ang suspek sa bahay ng biktima .

Hanggang sa mangyari nga ang krimen.

Ayon sa huling pagtatala ay maraming mga nawalang gamit ang biktima , kabilang na ang dalawang laptop , at dahil dito ay inilagay sa anggulong pagnanakaw ang dahilan ng krimen.

Kaya nga mag-ingat tayo mga kapatid lalo na sa mga bagong nakikilala natin sa mga social networking sites tulad ng Facebook na hindi natin lubos na kilala.

Madali lang kasing magtago at magsinungaling o mag-imbento ng mga pangalan at personalidad dito nang hindi mo  naiimbestigahan ang tunay niyang pagkatao.

Ingat lagi at higit sa lahat ay huwag patutuntungin sa bahay ang mga bagong kakilala. Lalo na at mag-isa ka lang sa iyong balur. Ugaliing dapat ay laging may kasama lalo na sa mga eyeball o meet-up. At makipagkita sa matataong lugar lamang at hindi iyong secluded o tago at madilim na lugar.

Kapag may meet-up o eyeball na mangyayari ay agad ipaalam sa mga kapamilya o kaibigan ang pagkakakilanlan sa imi-meet at ipaalam din kung saang lugar dadako para masundan ang kilos at galaw ninyo.

Mukhang ginagamit na ng mga masasamang loob ang mga social networking sites na ito para makadagit ng mga willing victim para sila ay makapanloko at makapanlamang sa kapwa.

Beware and be aware , iyan pa rin ang mabisang sandata .

At higit sa lahat , ipagkatiwala natin sa Panginoon ang ating buhay na tayo ay Kaniyang iingatan lagi sa ating mga lakad.

Amen.

2 comments:

  1. Isang pagtutuwid lang: walang inuman nangyari. Mhalou suffers from constant asthma attacks. Di sya umiinom. She even prepared a nice dinner for the suspects. Tsk.

    ReplyDelete
  2. Ah okay po ... salamat po sa pagtutuwid ... ito lang po kasi ang nabasa ko sa dyaryo ... paumanhin po kung hindi man ito naipaliwanag ng mabuti ... at least naipaliwanag nyo po ang inyong side ... maraming salamat ...

    ReplyDelete