TRAVELBOOK NOW!

Monday, June 20, 2011

Edgar Portalan is now wearing T-Shirts

Facebook status ko nuong isang araw :

" Edgar Portalan is now wearing T - Shirts . Ayoko na ng mga polo! Bukod sa mahirap nang labahan at plantsahin , mainit nang isuot at  mahal pa ha ha ha . T-shirt na lang , cool na , madaling labahan , mura pa he he he. Kaya sa mga may balak mag - regalo ng damit , T-Shirt na lang po . And large ang size please he he he. "


Dati akong mahilig magsuot ng mga T-Shirt or any loose shirts lalo na nuong aking kabataan. Nahilig lang akong magsuot ng mga polo at de - kwelyong mga damit nang magsimulang lumaki at bumukol  ang aking digestive organ.

At dahil sa nahihiya at gusto kong itago ang paglobo ng aking sinapupunan dahil nabuntis ako ng isang tikbalang , natuto akong bumili  at mag-suot ng mga maluluwag at malalaking polo , para hindi mahalata ang paglobo ng uterus ko he he he.

Subalit  lately aking napagtanto na napakainit sa katawan ang mga polo  , lalo na kapag summer o tag-init . Gayudin ay ang napakahirap nitong labhan at plantsahin.

Dagdag pa na ang mamahal ng mga presyo nito sa merkado.

Kaya I have decided to shift my dressing image into wearing cool brand new t-shirts . Mas mura pa he he he.

Next in line: sandos and boxer shorts.

Keri ko ba yun ateh ha ha ha.

Chos!

No comments:

Post a Comment