TRAVELBOOK NOW!

Thursday, June 23, 2011

Divorce : Philippine style

 Aba at Pilipinas na lang pala ang bansa sa buong mundo ang walang divorce law.

Iyan ay matapos na pumabor ang bansang Malta sa isang referendum  ukol sa pagsasabatas ng diborsyo sa kanilang bansa.

Kaya naiwa na ang bansang Pilipinas sa buong daigidig na kung saan ay outlawed pa rin ang diborsyo dito.

Sa ganang akin , paborable  na rin ako para maisabatas ang prosesong ito para sa paghihiwalay ng isang  mag-asawa.

Eh kung hindi naman na masaya at kumportable sa iisang bubong at pagsasama ang isang mag-asawa eh bakit pa ipagpipilitan diba?

Eh minsan dahil sa pagsasamang pilit at wala ng tamis at ligaya , mas nagkakaruon ng mga pang-aabuso at pananakit lalo na kapag may pagka war freak o   sadista  ang isang parte ng relasyon.

Kadalasan lamang na naiipit sa gulo at masalimuot na buhay ang isang parte na hindi makahulagpos dahil sa pagkakatali ng seremonya ng kasal . At kahit na nahihirapan na at nasasaktan sa kanilang relasyon bilang isang asawa , ay tinitiiis nila ito para sa kanilang mga anak.

Iyan ang masaklap na katotohanan!


Ngunit sa ganang akin ay may tamang oras para ito ay talakayin sa plenaryo .

Huwag muna sigurong  isabay ngayon  dahil mainit pa ang usapin ukol sa Family Planning.

Later na lang siguro kapag humupa na ang tensyon tungkol sa RH Bill.

Ang sabi nga , " isa isa lang muna  , mahina ang kalaban."

And come to think of it , kung aprub na ito sa lahat ng bansa , maliban sa atin , eh bakit tayo magpapahuli?

Anong klaseng pag-iisip meron ang karamihan na wala tayo at hindi natin matanggap ang katotohanang ito?

Naalala ko tuloy ang kanta ng mga bata kapag ayaw na at pagod na silang maglaro:

" Ayawan na , hindi na masaya ..... may papansin kasi , hindi naman kasali "

No comments:

Post a Comment