Friday, June 10, 2011

child exploitation at its finest...

Ano ba naman itong balitang napanuod ko sa 24 Oras ng GMA 7 na anim na magkakapatid ( 4 na babae at 2 lalaki )  na ang-edad ay mula siyete hanggang trese ang pinagsu-show  at pinaghuhubad diumano sa utos na rin ng kanila mismong mga magulang sa harap ng webcam  para sa kanilang mga dayuhang kliyenteng nagbabayad upang makapanuod ng mga ganitong klaseng malalaswang panuorin .

Child  pornography at its finest huh.

At mga magulang pa mandin ang kunsintidor.

Ang sabi ng mga magulang ay nagawa daw nila ito dahil sa kahirapan.

Iyan na nga ba kasi ang epekto ng walang family planning and control .

Aanak ng marami na hindi naman pala kayang buhayin.

Tuloy , mga bata ang naaabuso at napapariwara.

Nakikita ba  ito ng mga taong simbahan?

Na ganito ang sitwasyon sa maraming mga mahihirap pero malalaki ang pamilya?

Ahhhh....ilan pang mga nene at totoy ang masasalampak sa ganitong abang kalagayan  dahil sa pagiging saradong utak ng ating mga alagad ng Diyos kuno huh!

Aba'y imulat nyo na nga ang isipan nyo.

No comments:

Post a Comment