TRAVELBOOK NOW!

Sunday, June 26, 2011

Bakla , Brutal Na Pinatay

Aba at nahihilig mag-lathala ng mga " gay letters " itong si Kuya Rom ng Abante- Tonite lately huh.

Hindi kaya at dati rin siyang bakla he he he . Joke Lang Po , Kuya Rom , sabi nga ni Sir Jerry Olea.

Huwag pong pikon .

Bato bato sa langit ang tamaan , guilty!

Oh well , nire-repost ko lamang dito ang mga article na tulad  nito upang mai-share o maibahagi ko naman sa ating mga kafatid ang mga komento at opinyon ng mga taong " normal " at " makadiyos " na katulad ni Kuya Rom.

Wala namang masama duon di ba?

O Zsa Zsa , heto na ang artikulo at basahin ninyo  , kayo na lang ang  bahalang humusga.

Ay , huwag nyo palang husgahan dahil hindi tayo Diyos.

Ang Diyos lamang pala ang  may karapatang humusga .

Basahin n'yo na lang dito :
 
Dear Kuya Rom,
Call me Nancy, not my real name. May ilang taon na ang nakaraan, isa kong kaibigan na lalaking-lalaki ay lasing. Nabigla ako nang sinabi niya sa akin na siya’y isang bakla, may boyfriend siya at siya’y may sakit na VD. Isang araw, may balitang isang bakla ang pinatay ng maraming saksak sa katawan.
Dalawang bakla ang nag-away at ang pinag-awayan ay isang lalaki. Natakot ako para sa kaibigan ko nang malaman ko ito. Sabi ko sa kanya, magbagong-buhay siya at baka mapahamak siya.
Sinabi ko sa kanya ang balita. Natakot siya at sinabi niya sa akin na bigyan ko raw siya ng isang linggo, aayusin niya ang kanyang buhay.
Madalas kapag hindi siya nakapapasok sa trabaho, tumatawag siya sa opisina. Pero dalawang araw na ay hindi pa siya pumapasok. Tinawagan namin siya sa telepono at sa cellphone pero hindi niya sinasagot.
Pinuntahan namin siya sa kanyang tirahan at nagimbal kami sa nakita namin. Laylay ang dila, parang sinakal. Marami siyang saksak at bugbog sa katawan. 25 years old lang siya nang siya’y brutal na pinatay.
Kuya Rom, may pag-aaral ba sa Pilipinas tungkol sa buhay ng mga bakla?
Totoo bang may masamang espiritu na nagtutulak sa isang tao na maging bakla at ito ay palipat-lipat sa iba’t ibang katawan? Ito rin ba ang nagtutulak sa isang bakla para pumatay? ‘Di ba ang demonyo ay espiritu?
Kung masamang espiritu ang pumapasok sa isang lalaki upang maging bakla, paano ito maaalis? May exorcism ba para rito?
I’m now working in a call center where a lot of guys are gays. Nais kong matuto upang makatulong ako sa mga kaibigan kong bakla. Thank you very much and more power. -- Nancy
Dear Nancy,
Ang iyong kuwento ay isang kumpirmasyon na ang imoral na pamumuhay ay posibleng may malagim na wakas at maaaring isang malagim na krimen.
Para sa unang tanong mo, hindi natin alam kung gaano kalaki ang problema sa Pilipinas na dulot ng homosexual lifestyle ng marami nating kababayan. Sa Amerika, may isang pag-aaral na ginawa. Ito ang nadiskubre:
1. May mga bagong sakit sa Amerika na hindi malaman ng mga dalubhasa sa medisina kung ano ang dahilan, mga bagong sakit na matatagpuan sa grupo ng mga bakla lamang. May bagong uri ng venereal disease (VD) at may mga bagong viruses na nagdudulot ng di-matukoy na sakit na matatagpuan sa mga bakla lamang.
2. Ang VD Clinic sa San Francisco ay may 75,000 pasyente taun-taon, 80 porsyento ng mga pasyente ay bakla. Ang siyudad ng San Francisco ay tinatawag na “Sodom by the sea” at “gay capital of the world”.
3. Wika ni Dr. Milton Helpern, Chief Criminologist and Medical Examiner ng New York: “Hindi ko trabaho ang maging kontra sa homosexuality at iniiwan ko sa mga psychiatrists at psychologists ang gawaing alamin kung bakit may mga taong homosexual. Nakagawa na ako ng 60,000 autopsies.
Dapat na unawain na lubhang mapanganib ang lumabag sa normal na buhay. Hindi ko alam kung bakit, pero ang totoo, ang bayolenteng patayan ng mga bakla dahil sa malaking selos sa isa’t isa ay masahol pa sa selos ng lalaki sa babae o babae sa lalaki.
Ang pagsambulat ng galit ng isang bakla dahil sa malaking selos ay lubhang nakagigimbal at nauuwi ito sa brutal na pag-atake, sobra-sobrang pananaksak at walang-awang pamamalo ng tuluy-tuloy kahit na ang biktima ay patay na. Ito ay iisang pattern ng pagpatay. Kapag ganito kabrutal ang pagpatay, alam ng New York police na mga bakla ang kasangkot dito.
Nancy, sana makatulong sa iyo ang pag-aaral na ito. May kasagutan sa iba mong mga tanong. Abangan!
Payong kapatid,
Kuya Rom

No comments:

Post a Comment