TRAVELBOOK NOW!

Monday, June 27, 2011

Ano’ng nagtutulak sa lalaki na maging bakla?

Ito ang pagpapatuloy ng " Baklaserye " ni Kuya Rom mula sa Abante-Tonite.

Tunghayan po natin :

________________________________________________________________________

Nais makatulong ni Nancy na magbigay ng solusyon tungkol sa problema ng mga bakla. Mayroon siyang kaibi­gang lalaki na naging bakla at nagkaroon ng boyfriend, at ang boyfriend nito ay naging bakla rin.
Tanong ni Nancy, “Totoo bang may masasamang espiritu na nagtutulak sa isang lalaki na maging bakla? Ito ang pa­ngalawang bahagi ng sagot sa kanyang mga tanong.
Dear Nancy,
Hayaan mong sagutin ko ang iyong tanong sa pamamagitan ng patotoo ni Tonette Macho ng Iskul Bukol. Mula sa isang video (http://www.youtube.com/watch?v=Z3JaAmmY9Po), ito ang kanyang patotoo:
“Nilagay ng diyablo sa aking isipan na ako’y pinanganak na isang bakla at mamamatay na isang bakla. Binuhay ko ang kasinungalingang ito sa loob ng 32 years... Kung iri-rate si Tonette from 1 to 10… 11 po si Tonette… worst of a kind (bilang bakla).
Ang akala ko noon wala nang pagbabago ang buhay ko. I tried changing my life. Ayokong mamatay na may AIDS… Ngunit wala akong nagawa. Kahit na anong gawin ko, wala akong kalakasan para baguhin ang buhay kong ‘yan.”
Subalit nalaman ni Tonette ang Katotohanan at ang Katotohanan ang nagpalaya sa kanya.
Sa pamamagitan ni Connie Reyes, isinuko ni Tonette ang kanyang buhay sa Panginoon at tinanggap niya si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ng kanyang buhay noong Hunyo 23, 1991.
Pagkalipas ng anim na buwan, nag-aral si Tonette sa Bible school.
Graduate siya sa Calvary Bible Institute at nagtapos siya bilang top student sa Victory Leadership Institute. Mula rito, ginagamit siya ngayon ng Diyos sa mission works, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa, inihahayag ang patotoo na bigay ng Diyos sa kanya.
Wika niya, “Sinira ni Satanas ang aking buhay sa loob ng 32 taon, ngayon ako naman ang sisira sa kanyang kaharian sa pamamagitan ng dugo ng Kordero (si Cristo)…”
Ang bagong buhay ni Bro. Anthony Roque (Tonette Macho) ay tunay na karanasan ayon sa Biblia.
Wika ni Jesus sa Juan 10:10, “Ang magnanakaw (si Satanas) ay naparito upang magnakaw, pumatay at maminsala. Ako (si Jesus) ay naparito upang kayo ay magkaroon ng buhay na ganap at kasiya-siya.” Ninakaw ng diyablo ang 32 taon sa buhay ni Tonette.
Pininsala ng diyablo ang kanyang pagkatao sa loob ng tatlong dekada.
Subalit dumating si Jesus at nagkaroon siya ng isang bagong buhay na ganap at kasiya-siya. Wika ni Apostol Pablo, “Ang sinuman na kay Cristo ay isang bagong nilalang; ang lumang pagkatao ay lumipas na; ang lahat ay bago na” (2 Corinto 5:17).
Ang diyablo at mga kampon nito ay mga espiritu. Ito ang nasusulat sa Ephesians 6:10-12, “Be strong in the Lord and in his mighty power. Put on all of God’s armor so that you will be able to stand firm against all strategies of the devil.
For we are not fighting against flesh-and-blood enemies, but against evil rulers and authorities of the unseen world, against mighty powers in this dark world, and against evil spirits…” (New Living Translation).
Natalo ang diyablo sa buhay ni Tonette. Panalo ang Pa­nginoong Jesus sa kanyang buhay.
Ito ay nasasaad sa Pahayag 12:10-11, “Nilupig nila (ang diyablo) sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng salita ng kanilang patotoo.”
Walang imposible sa Diyos, sa Kanya ang bakla ay nakakalaya mula sa pagiging bakla.
Palipat-lipat ba ang masasamang espiritu? Sila ba ang nagtutulak sa isang bakla para pumatay? May kasagutan sa mga tanong na ito. Abangan!
Payong kapatid,
Kuya Rom
 

2 comments:

  1. MASASABI KONG HINDI NAMAN KASALAN ANG PAGIGING BAKLA O TINO ,ANG KASALAN PO YUNG LIFESTYLE NA PIPILIIN MO,.NA MINSAN,NAGIGING NATURAL NA DIN S AMGA BAKLA,SA BUHAY BAKLA,..SA NGAYON,MASASABI KONG MADAMI NG WISE AT SMART NA BAKLA SA PINAS,HINDI NA BASTA NAGPAPAUTO SA MGA GUYS,O NAGPAPAGAMIT,LANG,,SIGURO SA DAMI NG MGA BAKLA NA GWAPO O MAGANDA NA NGAYON NA HAMAK NA MAS GWAPO PA SILA KESA SA MGA BF NILA,HEHEHE,NA MAS MALAKI PA ANG SAKANILA KESA S ABF NILA,HEHE,ANO IYON!.MASASABI KONG IBA ANG BAKLA NOW SA MGA SINAUNANG BAKLA NOON NA ANG ALAM LANG SA PARLOR AT MAGHANAP NG GUYS SA TABI TABI JAN,,HEHE,,MADAMING GAYS NA PROFFESIONAL AT MAAYOS,DECENT,EDUKADO,MAY SILBI SA BAYAN AT ROLE MODEL,PERO MADAMI DIN MGA GAYS LALO NA SA ABROAD ANG POKPOKITA AT MGA WALANG MODO AT MALEDUKADA,..IBA IBA ANG BAKLA,IBA IBA ANG LIFESTYLE,IBA IBA ANG PAG ATAKE KUNG PAANO NILA DADALHIN ANG PAGIGING GAYS NILA,SA MUNDO NA ITO,.MADAMI NA DING NAG NANAIS MAGING TRANSEX,AT HINDI MAKUNTENTO S APAGIGING SHEMALE O LADYBOYS NALANG O GAY NILA,,TSK,,IYON AY SUNTOK SA LANGIT,,TSK,,

    WE ADORE GAYS NA EDUKADO,AT ALAM DALHIN ANG SARILI,MGA GAYS NA PRETTY O HOT PERO MAY DISIPLINA SA SARILI AT MAAYOS,.BIHIRA LANG ANG MGA GAYS NA BLESSINGS SA KANILA ANG SELF CONTROL,,ANG HIRAP NUN!ITS REALLY A BLESSINGS,,MOSTLY ,YUN ANG MGA GAYS NA NAKAKAPAG ASAWA NG GIRLS AT MAY FAMILY,,DEPENDE SA BAKLA TLAGA,,

    MADAMING BAKLA SA ABROAD ANG KUMIKITA DALA NG ANG MGA IBANG LAHI,MAHILIG S AMGA GAYS,,SO,,MADAMING GAYS ANG NAGIGING POKPOKITA DUNON NA KUNG MINSAN HUMANTONG SA SAKIT O SA KAHIHIYAN LALO NA SA MIDDLE EAST,,TSK,,ANG EDUKASYON IS A MUST SA MGA TAONG BAKLA,,PARA MAITAAS ANG RESPETO O IMAGE SA MGA SARILIT BUHAY NILA,,


    KAHIT PA NAG ASAWA NG BABAE ANG BAKLA,BAKLA PADIN SIYA,,HE JUST CHANGE HIS ROUTE,,OF LIFE,.PAANO NATIN MALALAMAN NA BAKLA ANG ISNAG GUY??WELL,,ANG BASEHAN JAN WALA SA HITSURA O GALAW,,NASA TEMA NA NG PAKIKIPAGSEX,THE MONET NA SINUSO DIN NG GUY ANG ARI NG GAY,SYAY BAKLA O SILAHIS,,KASE WALANG TUNAY NA GUY ANG GAGALAWIN ANG ARI NG ISANG GAY MALIBAN NALANG SYAY TAGONG GAY PALA O BISEX,..MAGING ANG MGA SEX WORKERS,NA SABI NAPIPILITAN NALANG,AY HINDI MAATIM NA TIMAN ANG ARI NG GAY,KUNG HINDI SYA GAY,..IT MEANS NAGTATAGONG BAKLA LANG SILA,,HEHEHE,NA NAILALABAS PAG NAKIKIPAG TALIK NA,,HAY NAKO,,,WELLL,,,ANUKAMAN ,,MAHALAGA,,MAY PUSOT ISIP KA SA MUNDONG ITO,,BAKLA KAMAN O STRAIGHT MAHALAGA MABUTING TAO TAYO,AT TOTOO,.MAY SILBI S ABAYAN AT ROLE MODEL,,AANHIN MO ANG TAONG STRAIGHT KUNG MAKASALANAN NAMAN SYA O MASAMANG TAO,COMPARA SA BAKLANG NAGBIBIGAY TULONG AT MABUBUTING PUSO DIBA,,SABI NGA,,LEAVE IT TO GOD THE JUDGEMENT,GOD KNOWS ONLY,LALO NA SA TALAKAYANG BAKLA,TAYOY PURO LANG HINALA AT ASSUMING KUNG BAKIT MAY BAKLA,.MAG RESPETUHAN NALANG TAYO,,AT LET GOD EXPLAIN FOR US,,ANG TUNGKOL SA PAGIGING BAKLA,,AS HUMAN,,WE MUST LOVE AND RESPECT PIPOL,,GODBLESS,

    ReplyDelete
  2. Amen na lang ako jan anonymous he he he ... thank you for your comment ... God bless ...

    ReplyDelete