Tuesday, June 7, 2011

Alice in Wonderland

Bata pa lamang ako ay peborit ko na ang kuwentong Alice In Wonderland ni Lewis Carroll.

Ito ay dahil sa hitik sa adventure at makukulay na karakter ang kuwentong ito na ginawa ni Lewis para sa kaniyang anak na si Alice Pleasance Liddell.

Kaya naman bumili ako ng DVD ng film version nito na Alice In Wonderland ng Walt Disney nuong 1951 at ang bagong live action-computer animated  version nitong 2010 starring no less than Johnny Depp.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang nakakaaliw na mga favorite character ko ditong tulad nina Tweedledee and Tweedledum , Absolem  , the hookah pipe-smoking Caterpillar , The Grinning Cheshire Cat , The Mad Hatter , The March Hare , The White Rabbit , si Dodo , at ang super bad na Red Queen of Hearts.

Alice Kingsleigh pala ang buong pangalan ni Alice .

Paborito kong linya ang sinabi ng ama ni Alice nang aminin nitong tila ba nababaliw na siya. Saad ng erpat niya : " you are indeed mad . But don't worry , all the great people are"

O di ba bongga!

So it's getting  "curiouser and curiouser huh! "

No comments:

Post a Comment