TRAVELBOOK NOW!

Sunday, May 29, 2011

womanizing Arnie



Aba at numero uno din palang babaero itong si Terminator Arnold Schwarzenegger huh.

Nabunyag ang lihim na pambababae nitong dating gobernador ng California na si Arnold nang sila ay maghiwalay ng kaniyang asawa sa loob ng 25 taon na si Maria Shriver.

Ang dahilan diumano ng hiwalayan ay nang matuklasan ni Maria na may anak sa ibang babae si Arnie - kay Mildred Patricia Baena , na dati rin nilang katulong at kasambahay sa loob ng 20 taon.

Ang lovechild diumano ng dalawa ay nasa 13 taon na at lihim na sinusuportahan ni Mr. Kindergarten Cop.

At ayon sa mga Hollywood chika , bukod kay Baena ay mayruon pang ibang mga kulukadidang o kabit itong si Mr. Universe and Mr. Olympia title holder na ito.

At kung susumahin , it seems na sa halos 25 taon na pagsasama ng mag-asawa ay ganuon din ang taon na nagsasalo naman sa bawal na ligaya itong sina Arnie at si Mildred.

Awww kasakit naman nuon.

Diyata at ang wholesome image ni Terminator ay magiging Exterminator na yata ngayon huh.

Oh well , sabi nga sa isang kanta " you win some , you lose some , it cuts like a knife "

No comments:

Post a Comment