TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, May 31, 2011

Sandugo


Matibay pala talaga itong Sandugo sandals hano.

Akala ko ay sabi sabi lang na matibay daw itong Sandugo , iyon pala ay tutoo!

Maraming beses ko nang naitapak at naituntong sa mga putikan , damuhan , batuhan , ilog , dagat , bundok , burol , talampas , kalsada, gubat , buhanginan , at kung saan saan pang lupalop ay heto at super tibay pa rin ng sandalyas na ito.

Hindi katulad ng Fila sandals na itong aking nabili.

Ilang gamitan lang at halos wala pang dalawang buwan ay nganga na ang dila.

Pudpod na rin ang kaniyang suwelas .

Samantalang sabay ko lang silang binili nitong Sandugo sandals ko.

Ibang klase talaga ang gawang Pinoy hano.

Talagang maaasahan sa tibay at tatag.

Kahit saang lugar mo man dalhin.


Kaya naman bumili ako ulit ng panibagong Sandugo sandals.

Na kailangang kailangan ko sa dami nang aking pinupuntahan.

At pagiging numero unong lakwatsera at rampadora ha ha ha.

No comments:

Post a Comment