TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, May 18, 2011

Milyonaryo na , mahirap pa rin daw!

Natatawa naman ako sa ulat ng isang telebisyon tungkol sa mga Mayayaman at Mahihirap diumanong mga Senador daw kuno.

Lumabas na kasi ang taunang Statement of Assets , Liabilities and Networth ( SALN ) at nanguna sa listahan bilang pinakamayamang Senador si Manny Villar na may kabuuang networth na umaabot sa P725,221,969 lang naman.

At sabi sa repot ay ang " pinaka- mahirap " naman daw ay si Senator Antonio Trillanes na may P3.83 milyon na ari- arian.

Aba , mahirap pa ba yun???!!!!

Hinayupak na anak ng bakang manok , kung yan ang mahirap , aba'y wala nang mayaman sa Pilipinas huh!!!

Milyonaryo na ay tatawagin pang mahirap pa rin daw.

Baka naman ang akmang salita o parirala para dito ay " ang mas konti ang kayamanan at milyones ....".

Puwede pa ha ha ha.

Pero ang sabihin mong mahirap iyan .......!@#$%%^&&((())_||+|++=\!!!

Aba'y ayusin nyo ang paggamit nyo ng salita huh para hindi nakakapikon!

2 comments:

  1. korek, dapat sa mga ito ay mag-aral kung ano ang paglalarawan. Paano mo ilalarawan ang isang mahirap at mayaman! Gago ba sila? hahaha. Mag-aral nga sila. Lahat sila ay mayaman, wala sa kanila ang mahirap! Dapat magseminar, ano edgar! kainis na!

    ReplyDelete
  2. Ha ha ha...puso n'yo mam he he he... nakaka high blood nga po kasi eh he he he...

    ReplyDelete