TRAVELBOOK NOW!

Sunday, May 1, 2011

Labor Day

Labor Day na naman.

Ang itinakdang araw para sa mga dakilang manggagawa.

Na kung hindi sa mga obrerong ito na nagpapakahirap at nagpapatulo ng pawis at dugo rin minsan , ay hindi naman uunlad ang maraming mga kapitalista na nag-iinvest sa kanilang mga alipining manggagawa .

Dito sa Pilipinas , kung hindi naaabuso at nakakawawa ang mga obrero , sinasamantala naman ito ng ilang mga kapitalista , hindi lamang ng mga dayuhang mamumuhunan , kundi maging ng mga kapwa Pilipinong negosyante , ang kakayahan ng maraming mga laborer sa ating bansa.

Hindi na nga umaagapay ang kakarampot na sahod sa halos araw araw na pagtataas ng mga bilihin sa merkado.

At itong Araw Ng Mga Manggagawa , muli na namang hihingi ng pagtaas sa sahod ang ating mga manggagawa , ngunit tila yata malabong mapakinggan ng gobyernong ito na bingi na sa hinaing at sumbong ng ating mga nangangamuhan.

Mabuti na lang at dumating ang industirya ng call center na kahit papaano ay nakakaagapay sa hinihinging disenteng buhay sa ating bansa.

Eh papaano naman iyong mga walang alam at hindi nag-aral sa call center , magtitiis na lamang ba sila sa pangangamuhan sa mga buwayang negosyante na sila lang ang umuunlad at yumayaman?

Ay naku , obrerong Pilipino , kailan ka makakatikim ng kaginhawahan sa iyong habambuhay na pagsisilbi sa iyong Inang Bayan!

No comments:

Post a Comment