TRAVELBOOK NOW!

Monday, May 16, 2011

Justice for Christian Serrano


Sa wakas ay sumuko na sa mga alagad ng batas ang kapwa nila mga alagad din ng batas na mga suspek sa pamamaril ng isang 13 anyos na batang si Christian Serrano na nangangalakal lamang ng basura sa isang abandonadong gusali sa Makati City.

Ang nasabing tatlong pulis ay sina P/Chief Insp. Angelo Germinal, PO3 Robert Rinion at PO1 Nicolas Apostol Jr.

Kawawa naman ang sinapit ng nasabing bata na nais lamang na makapulot ng mga basurang maaaring pagkaperahan upang maipantawid-gutom sa buong maghapon kasama ng kaniyang pamilya.

Subalit sa hindi ko maubos maisip na dahilan ay nagawang barilin ng tatlong pulis pa mandin na ito.

Hindi ko magawang limiin kung anong nagawang pagkakasala ng musmos na ito at nagawa ng mga hinayupak na kalawang na ito sa lipunan na barilin ang nasabing bata.

Wala man lang kaabug-abog na mamamaril ka ng isang bata na para kang nakakita ng daga na humahalukay sa isang basurahan.

Eh kung ang daga nga ay hindi natin basta basta binabaril eh , ito pa kayang bata na I'm sure ay hindi naman isang malaking threat para sa mga kagaw na pulis patolang ito.

Walang kalaban-laban ang paslit sa mga damatan na itong hindi marunong magpatupad ng batas.

Isa lang ang hiling ko: BITAY AGAD!!!

At para sa pamilya ng mga pulis na ito , nawa ay hindi ito maranasan ng inyong mga anak hmmmppp!!!

3 comments:

  1. korek, dapat ibalik talaga ang bitay!

    ReplyDelete
  2. Agree din po pala kayo sa bitay...dapat lang po...

    ReplyDelete
  3. ang alam ko hindi basura kinuha nila mga bakal sa abandoned building somewhere in makati.nagwarning shot para tumigil na mga bata pero tuoy pa din...cguro ego or naazar ang pilis kya binaril TSKTSKTSK anu kayang nasa isip ng pulis na yun kung bakit nya binaril...anyway hindi daw natanggal sa pagkapulis ang suspect suspended lang daw...

    ReplyDelete