TRAVELBOOK NOW!

Thursday, May 19, 2011

Bye bye Friendster


Aba mag-bababye na pala itong Friendster simula sa May 31 ng taong ito huh.

Actually hindi naman daw talaga siya magsasara ng tuluyan kundi magpapalit lang ng status na ginagawa nito. Kung dati ay isa siyang social networking website , pagkatapos ng may 31 ay magiging isa na lamang siyang entertainment portal nagki-cater more on sa music and entertainment industry.

Ayon sa pamunuan ng website ay mawawala o mabubura ang mga profiles, blogs , pictures at mga comments na nasa files nito pagkatapos ng May 31.

Kaya pinapayuhan ang lahat na ilipat o itransfer sa alinmang mga saving tools and devices ang mga mahahalaga at memorable na mga files nila na nasa Friendster pa.

Kaya nga ako todo transfer na ang ginagawa ko sa mga souvenir pictures na nai-upload ko saFriendster nuon pa .

Friendster ang unang social networking website na sinalihan ko simula nuong matuto akong sumali o mag-join sa mga ito.

At nahumaling ako nuon sa FS na ito simula nuon dahil marami akong nakilala at nalamang mga kabaliwan dahil dito.

Marami din akong nai-upload na files at pictures dito sa FS.

Karamihan ay nasa private lists na hindi puwedeng i-view he he .

Isa pa sa kagandahan sa Friendster ay meron itong Who's Viewed Me icon na nagpapakita sa iyo kung sino ang mga bumibisita at sumisilip sa iyong profile . Kaya naman alam ko kung sinu-sino ang mga namboboso sa profile ko.

At kapag type ko kung sino ang mamboboso , ia-add ko siya with matching private message he he he.

Bagay na wala sa bagong kinahuhumalingan ngayong Facebook.

Nang matuto akong mag- Facebook, di ko na rin nabibisita ang FS account ko na siyang dati kong numero unong binubuksan once na pumalaot ako sa mundo ng world wide web.

Pero ngayon nga ay madalang ko na rin itong bisitahin dahil kay FB na merong live chat service .

Well, ang sabi nga , all things must come to an end, kaya siguro ito na ang panahon ng FS para magpaalam at magpahinga. At least ang social networking side nito.

Thank you for all the memories and happiness that you've shared with us.

All things come and go , and I guess this is the junction of leaving the highway of competition .

No comments:

Post a Comment