TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, April 27, 2011

X-MEN : FIRST CLASS trailer

Wow at may bago na naman palang installment ang favorite kong X-Men movie franchise.

Sa June 3 ito mag-oopen sa US , ewan ko lang kung simultaneous ang opening sa buong mundo pati dito sa Pilipinas.

Bale ito na ang 5th installment sa film series na ito na hango sa Marvel Comics team na X-Men. Nauna na nga ang X-Men , X2 , X-Men : The Last Stand at ang X-Men Origins : Wolverine.

I really dig this film series dahil sobrang nakaka-relate ako sa mga karakter dito na outcasts , mislabeled , misunderstood unique and talented people na pinag-isa ng kanilang hangaring makatulong sa sambayanang nanglalait at nangmamaliit sa kanilang pagkatao.

Plus of course ang bongggang mga action and fight scenes , special effects at ang nakakaantig na storyline.

Dito ay ang istorya naman ng mga karakter bago sila naging X-Men ang tatalakayin ng pelikula.

Panuorin ang trailer dito at sa June 3 ay sabay sabay natin itong i- watch sa ating mga paboritong sinehan.

1 comment:

  1. Khij Briones : really? hehe aabangan nmin yan, thanks for the info..

    ReplyDelete