TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, April 12, 2011

Willie Revillame suspended again


For the nth time , suspendidong muli ang TV show ni Willie sa TV 5 na Willieng Willie.

For two weeks ay mawawala muna sa ere ang nasabing early evening variety show ng kontrobersyal na TV host.

Ito ay dala na rin ng suspension order na ipinalabas ng MTRCB sa pangunguna ng chairman nito na si Grace Poe Llamanzares.

Bunga na rin ito ng pagpapasayaw diumano ng kalaswaan para sa isang bata sa nasabing show na nag-ala macho dancer at umiiyak pa habang ginagawa ito.

Ilan pa kayang suspensyon ang mararanasan ng TV host na ito bago siya magtanda?

Huwag namang pag-initan ang Channel 2 na siya umanong may kagagawan ng lahat.
Ginawa pang escapegoat ang dati niyang istasyon?

Ah Willie , you're always passing the buck when something goes wrong at you. Lagi kang naghahanap ng masisisi. Bakit hindi mo sisihin ang sarili mo at tanggapin kung ano man ang pagkakamali na nagawa mo?

Tandaan natin na kapag hindi tayo marunong tumanggap ng ating pagkakamali ay lalo lang tayong kamumuhian ng mga tao.

Sana hindi na lang siya magmataas , bagkus ay aminin niyang nagkamali rin siya kahit papaano.
Kahit pa sabihing hindi niya kontrolado ang magaganap sa isang live show.

Actually , puwede niya itong nakontrol sa simula pa lang kung sensitibo lang siyang pumulso kung ano ang makaka-offend sa mga manunuod.

Sa tinagal -tagal na ba niyang host ay hindi pa rin niya alam ito hanggang sa ngayon?

Tama lang ang suspensyon.

At huwag nang makipagbangayan pa sa iyong mga kapwa artista.

Dahil lumalabas lamang na talagang guilty ka sa iyong mga pinaggagagawang kaekekan.

Oh well , bagay sa iyo Willie ang kasabihang " those who do not learn from the mistakes of history are bound to repeat it "

Yun na!

No comments:

Post a Comment