TRAVELBOOK NOW!

Saturday, April 2, 2011

Willie Revillame and the Macho Dancing 6 year old Kid

Aba involve na naman pala sa panibagong kontrobersya si Willie Boy.

And this time ay sinundan siya ng kamalasan sa TV 5 hu hu hu hu.

Kawawang Willie Boy, at kahit saan yata magpunta ay laging kaakibat na ang mga kontrobersya.

And this time ay ang management naman ng TV 5 ang pasasakitan niya ng ulo he he he.

Aba'y bili na ng maraming aspirin at Cortal , Mr. MVP ( Manny V. Pangilinan ) para sa sakit ng ulo at tiyak aatakehin ka ng migraine dahil dito he he he .

Sukat ba naman kasing pagsayawin ng macho dancing ang isang six year old na bata on national television huh.

Eh ang mga writer naman kasi at production staff bakit kasi hinayaang macho dancing ang ipasayaw sa bata huh.

Siguro kung sa loob ng family affair ay pupuwede itu , pero on national television at mapapanuod ka ng sangkatutak na madlang pipol ay kwidaw ang ganitong istilo .

In fairness , walang masama sa pagsayaw ng macho.

Ang problema nga lang ay ipinagawa ito sa isang bata na tila ba naiiyak at wala pang kamuwang muwang sa ipinagagawa sa kaniya even ng kaniya mismong mga magulang.

Hay naku Willie ikaw naman kasi sa susunod alamin mo muna kung ano ang gagawing talent ng mga contestant mo noh nang hindi ka napupulaan.

And excuse me, hindi isyu ang pagbibigay ng pera para magawa o maipagawa mo ang lahat ng bagay na gugustuhin mo kahit na mangahulugang magsa-suffer ang emotional quotient lalo na ng isang bata , okay?

Hind pera pera lang ang isyu dito kundi pati ang moral fiber ng isang bansang tulad sa atin.

Aber , tama ka Aiza Seguerra , wala nga yata talagang kadala dala si Willing Willie.

Aba'y nawiwili na sa mga kaeklayan niya kasi.

Panuorin ang video dito:

No comments:

Post a Comment