TRAVELBOOK NOW!

Monday, April 25, 2011

R.I.P. AJ PEREZ



So shocking naman ang biglaang pagkamatay ng teenage actor na si AJ Perez nitong nakaraang Linggo Ng Palaspas

Sa murang edad na 18 ay maagang inulila ni AJ ang kaniyang pamilya , kamag-anak at girlfriend sa mundong ito.

Diumano ay nangyari ang aksidente sa highway sa Tarlac kung saan ay galing ang aktor mula sa isang event sa Pangasinan at pauwi na sana ng Maynila nang mangyari ang aksidente.

Di tuloy maiwasang ikumpara ang kamatayang ito ni AJ sa pagkasawi din naman nuon ng isa ring batang aktor na si Rico Yan na namatay din nuong kasagsagan ng Mahal na Araw taong 2002.

Ang nakakakilabot ay ang pagpapalitrato diumano ni AJ Perez sa hallway ng ABS CBN sa tabi ng malaking frame ng picture ni Rico Yan.


Isa pa ay ang remark diumano ni Mr . Johnny Manahan na ikinukumpara siya kay Rico Yan with his prophetic words which goes like this , “Given the chance, he can be another Rico Yan.”

Isa kaya itong signos?

Sayang ang bata. Magaling , guwapo at mabait pa naman daw ito.

Ah bakit nga ba kung sino pa iyong mababait ay siya pang maagang kinukuha ni Lord.

Ah siguro para hindi na sila magkasala pa at mawala pa sa piling Niya.

I am very sure , AJ is happy saanman siya naruruon ngayon.

Paalam AJ Perez!

No comments:

Post a Comment