TRAVELBOOK NOW!

Sunday, April 10, 2011

Cold Summer Nights

Naaalala ko ang kantang ito ni FrancisM sa ganitong panahon.

Aba'y kalagitnaan na ng Abril ay ganito pa rin kalamig sa Metro Manila at buong Pilipinas yata huh.

Ni hindi pa umaabot sa 35 Celsius degree ang temperature natin whereas in the past sa ganitong buwan ay umaabot na tayo sa 40 or higit pa na temperatura.

Ni hindi ko nga ma-feel na summer na eh.

Aba , ang lamig lamig ateh tuwing umaga , lalo na dito sa amin sa Antipolo na isang bulubunduking lugar.

"Malamig ang simoy ng hangin."

Ikanga sa awiting pamasko ng Apo Hiking Society na Himig Ng Pasko.

Para ngang Disyembre ngayon sa kalagitnaan ng Abril huh.

Pasko sa tagtuyot?

Epekto na ba ito ng climate change o weather craziness na rumaragasa sa buong mundo dahil na rin sa epekto ng global warming?

Hindi mo na matantiya kung kailan ang tag-lamig at tag-init eh.

Aba sa gabi ay nakatalukbong pa rin ako ng makapal na kumot wherein last year ay halos naka number four na ang electric fan sa kama ko ha ha ha ha.

At kapag gabi ay hindi puwedeng hindi ako magpapakulo ng tubig kapag naliligo.

Hindi ko rin keri ang uminom ng malamig na Nestea dahil gumuguhit sa lamig ang yelo.

Lugi tuloy ngayon ang mga swimming pool at beach resort dahil wala pang may mga balak mag-outing dahil sa lamig ng panahon.

Aba at kahit tanghaling tapat ay umiihip ang malamig na samyo ng hangin huh.

At huwag ka , may mga bagyong pumapasok sa ganitong tag-araw.

Usually , in normal days sa ganitong panahon ay tumatagaktak na ang pawis ko sa buong katawan .

Pero dahil sa kabaliwan ng ating klima ngayon , heto at ni hindi ako nilalabasan ng sweat sa aking mga pores.


Hu hu hu hu.

Nakaka-miss din pala ang summer ano kahit sobra ang init.

Hayyzz , huwag na tayong magtaka if one day ay uulan na ng yelo dito sa Pilipinas at magiging snowy country na ang ating bansa huh!

Pasok sa pinto ang climate change na iyan hanggat hindi nagbabago ang tao sa pakikitungo sa kaniyang Mother Earth.

No comments:

Post a Comment