TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, March 8, 2011

R.I.P. Paquito Diaz



Pumanaw na sa edad na 73 nitong nakaraang March 3 ang isa sa pinaka-magaling na character actor in Philippine cinema and television na si Paquito Diaz.

Tunay naman na naging bahagi na ng aking kabataan ang karakter ni Paquito nuon , lalo na sa mga FPJ movies na ubod ng bagsik at tapang na talaga namang kikilabutan ka dahil sa kaniyang galing sa mga eksenang kaniyang ginaganapan.

Pero ang pagiging astig at bagsik ni Paquito bilang isang numero uno at primera klaseng kontrabida ay puwede ring minsan ay nahahaluan niya ng humor o komedya lalo na kapag hindi naman masyadong seryoso ang tema ng pelikula.

Ito ang forte ni Paquito o Tito Kits sa ibang mga taga- showbiz.

Unti unti na nga silang naglalaho at lumilisan sa ating piling.

Silang mga artista nuong dekada singkwenta , sisenta at sitenta.

Parang kailan lang ay malakas pa sila at mahusay na mahusay ang pagganap sa pinilakang tabing .

Sila pa namang mga certified na magagaling at mahuhusay na aktor at aktres nuong kapanahunan nila ermat at erpat.

Subalit ganuon talaga ang buhay, lahat ay may hangganan.

At iisa lang ating hahantungan sa dako pa ruon.

Sa mga kapamilya at mga naulila ng beterano at iginagalang na aktor na si Paquito Diaz , ang aking taos- pusong pakikiramay.

No comments:

Post a Comment