TRAVELBOOK NOW!

Friday, March 4, 2011

People Power sa Middle East

Iba talaga ang epekto ng People Power na pinamunuan ni Tita Cory Aquino nuong 1986 na nagpasimula sa wave of people uprising events sa ibat ibang panig ng mundo.

At ngayon ay umaariba na naman ito , this time ay saMiddle East naman.

Nagsimula sa Egypt at ngayon ay kumakalat na sa ibat ibang bansa sa Gitnang Silangan na napapagod na sa ilang dekadang pamumuno ng kanilang mga hari at mga presidente na hindi na napapalitan sa loob ng maraming taon.

Bakit naman kasi kailangang iisang tao lamang ang mamahala at magmanipula sa isang bansa na binubuo ng libu-libong tao. Sila lang ba ang may alam sa pamumuno?

Hindi na bigyan ng pagkakataon ang ibang tao na magpakitang gilas sa pamumuno at pamamahala ng isang bansa?

Sa Bahrain ay nag-aalsa na din ang mga mamamayan dahil sa tagal na pamumuno ng kanilang hari na halos wala namang nakita o nagawang improvement din sa kanilang bansa.

Ganundin sa Yemen.

At ngayon ay sa Libya naman na matagal nang pinamumunuan ni General Muammar al-Gadaffi.

Aba'y elementary days ko pa lang ay naririnig ko na ang presidenteng iyan ah , hanggang ngayon pala ay siya pa rin ang naghahari sa bansang Libya!

Tama na ! Sobra na ! Palitan na!

Iyan ang sigaw nuon ng mga EDSA marchers against the tyrannical regime of President Marcos.

Akma rin ito ngayon para sa Gitnang Silangan.

Itigil na ang dinastiya.

Sa Pilipinas man o saanmang panig ng mundo!

No comments:

Post a Comment