TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, March 1, 2011

An open letter to Mr. Alfie Lorenzo

Dearest Mr. Alfie Lorenzo ,

This is an open letter coming from an avid and loyal reader of Abante-Tonite and your column therein in Entertainment Section entitled Star Nga Siguro.

I have been following your column for many many years now and I must admit that I am always amused and fascinated by your kind of witty and funny writing style about many happenings especially inside the showbiz world.

But lately I was bothered by some of your latest tirades and a seemingly innocent attack , and to reiterate , has something to do with the case of Mr. JC De Vera of TV Channel 5 .

This is with regards to an article mentioning his somewhat little birdie inside his shorts .

If I could mention the article I am referring about , this is the January 17 , 2011 issue of your Star Nga Siguro column entitled " JM De Guzman May Mararating "

You have mentioned in that article these lines that says , and to quote the first lines , " Kaya raw mailap sa mga bakla si JC de Vera ay dahil takot siyang mahipuan ng mga bakla at madiskubre ang liit ng putotoy niya na pinagtatawanan nina Ruffa Gutierrez, Yasmien Kurdi, Rhian Ramos (and I am sure pati na sina Alma Moreno, Kris Aquino at Zsa Zsa Padilla ay hahalakhakan!!!!) na sanay sa malaking ‘juanita"

For me this is such a big insult and a below the belt accusation and a direct attack for such an actor who is just doing his craft and finding his own space under the sun inside the crazy world of showbusiness.

Very below the belt it is!

I am no fan of JC De Vera , and that is a fact , but for me , I take such courtesy especially in mentioning in public the private matters of someone specifically if I have to drop names . As someone have said , " Let us keep private things private " . And that is even if that personality is a public property. He or she must have some privacy still intact.

Kung blind item , puwede pa siguro.

Sabihin man nating totoo , wala pa rin tayong karapatang manghimasok sa pribadong parte ng katawan ng isang tao dahil lamang sa ilang hindi pagkakaunawaan.

I believe this is an outright act of irresponsible journalism and you are liable to be charged with libel.

I don't know Alfie , but I must disagree with you this time .

I just feel that this must be put to a stop.And that also I have to write something that' s why I have written this letter just to inform or advice you of what harm you are doing to this " little " people inside showbiz.

Lahat ng tao ay may damdamin na nasasaktan.

Take that into consideration always when you have to write something to someone or somebody.

Hindi naman porket hawak natin ang makapangyarihang pluma at tinta ay puwede na nating isulat at iletra ang lahat ng bagay na ating puwedeng maipipintas sa isang tao.

Sa kabilang banda , wala akong alam sa kung anong isyu ang namagitan sa inyo ni JC kaya naman naisulat mo ang ganitong klase ng tema sa iyong kolum.

Maaaring may pinanggalingang malalim na ugat o dahilan kaya naging ganuon ang klase ng pagsusulat mo.

I am giving you the benefit of the doubt.

Pero ang hindi ko pa rin mawari at maintindihan ay ito : sapat na ba ang mga dahilang iyon para maliitin , laitin at insultuhin mo ang pagkatao ng isang nilalang ng Diyos?

Bakit , mga malalaki lang ba ang ari ang mga anak ng Diyos?

Sila lang ba ang mga perpekto para sa iyo?

Isa pang hindi ko maintindihan ay ang kung bakit kailangan mo pang banggitin ang " pagtawa " ng ilang mga persdonalidad sa " kaliitan ng pututoy " ni JC ? May blessing ba o basbas ng mga artistang ito ang binanggit mong iyon na sila ay natatawa dahil dito ?

Sa pagsubaybay ko sa iyong kolum , sa aking hinuha o akala , na maaaring mali o tama , ay may kinalaman ito sa isyu ng hindi pagtanaw ng utang na loob o pasasalamat man lang ng isang tao na iyong natulungan na siyang napapansin kong kadalasang lagi mong ipinupunto sa iyong mga panulat , if I may be right.

Well ,ang masasabi ko lamang tungkol diyan ay ito : you don't asks for a gratitude , you must earn it.

Hindi hinihingi ang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob , ito ay kusang ibinibigay sa mga taong karapat-dapat bigyan nito , tama po ba?

Kung magpasalamat sila , fine . At kung hindi man lang sila makaalala , okay pa rin.

Hindi ko naman iyon kawalan , pero sa kanila , malaking kawalan iyon.

But I wont get back at them saying outright in their face na " ni hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob at magpasalamat man lang kaya ganito ang igaganti ko tungkol sa iyo "

Ahh , it's such a big big world for everyone and everybody.

JC is not perfect . But neither were you.

I only have this thing to say : God has created each and everyone of us according to His purpose. And that we are always special in His eyes no matter what or who we are.

Maraming puwedeng isulat sa isang tao.

But not , God forbid , about his or her private parts.

And if it is specifically you will be naming names .

Huwag naman po , maawa naman tayo dun sa tao.

Kung meron mang taong kailangang gumawa ng ganoon sa kanyang kapwa na mang-insulto at banggitin ang pribadong parte nito , ipaubaya na natin ito sa mga taong walang pinag-aralan at hindi natuto ng magandang asal sa kanilang ekuwelahan!

Hindi dapat manggaling sa edukado at disiplinadong tao na katulad ninyo.

Ito lang po ang puntong nais kong iparating.

Salamat sa pagbasa !


Edgar Portalan

No comments:

Post a Comment