TRAVELBOOK NOW!

Sunday, March 20, 2011

Marikina Valley Fault Line


Tunay na nakakabahala itong ipinahayag ng Phivolcs na anumang oras ay tatama ang isang malakas na lindol dito sa Metro Manila via the Marikina Valley Fault Line na nagmumula sa Sierra Madre hanggang sa Tagaytay.

Ayon pa sa kanila mismong pananalita ay " hinog na hinog na ang fault line na ito para gumalaw anumang oras."

Diumano ay may history na tuwing maka - dalawandaang taon ay gumagalaw ang fault line na ito na tumatama sa halos kalagitnaan ng matataong lugar sa Metro Manila.

At diumano , ngayong panahong ito ang ika-dalawandaang taon ng fault line na ito .

Nakakatakot.

Nakakabahala.

Nakakakaba.

Malapit pa naman kami sa Marikina .

Antipolo kasi kami. Kanugnog bayan lamang ng Marikina.

Hindi ko alam kung magagalit ako sa ganitong pahayag ng Phivolcs sa gitna ng trahedya sa Japan.

Eh anong magagawa natin kung ito talaga ang katotohanan.

Imbes siguro na magalit at matakot ay makabubuting magmatyag , maghanda at matuto tayo sa mga pangyayaring naranasan ng ibang bansa kaugnay sa hindi mapipigilang sakunang ito which can be consider as an act of God!

At higit sa lahat ay mabisang sandata ang pagdarasal upang kung hindi man maiwasan ay maibsan ang paghihirap na idudulot ng trahedyang ito na hindi malayong dumating sa ating bansa anumang oras.

O Diyos ko , ikaw na po ang bahala sa amin.

Iligtas mo po kami , sampu ng aming mga mahal sa buhay at pamilya!

Ikaw po ang masusunod kung ano ang iyong kalooban!

Amen!

5 comments:

  1. earthquake is not an act of God. it is plainly a natural phenomena. God is good and i believe that it is not his will to make humanity suffer. Just be prepared all the time. huwag ma stress, huwag mabahala at tuloy pa rin ang buhay.

    ReplyDelete
  2. Likas sa maraming Pinoy ang hiundi marunong magmasid, makinig at makiramdam sa galaw at "tinig" ng kalikasan kaya marami ang napapahamak at namamatay. Magkakaroon ng malakas na lindol sa Luzon. Totoo ito. Malapit na. Hindi dapat matakot sa halip ay maghanda upang hindi masaktan at mamatay. Karamihan sa napapahamak at namamatay ay yaong mga indibidwal na "nakatali" sa mga materyal na bagay na nakakasama nila sa hukay ng kamatayan. Habang may panahon at may liwanag, kailangan nang lumikas at iwanan ang mga ari-arian... huwag lilingon baka maging asin katulad ng asawa ni Lot sa aklat ng Genesis. Pakatandaan na ang lindol ay bahagi ng kalikasan at walang kinalaman ang mga diyos at diyosa ng Olimpus at Roma.

    ReplyDelete
  3. pakibigay naman ng link ng map upang malaman namin ang mga exact location na malapit sa fault na ito.nakakatakot nga dahil nasa pasig lang kmi

    ReplyDelete
  4. exact location of fault lines: Pasig ( maybunga, tramo, rosario, lifehomes, napicco, manggahan, maybunga,marikina east)

    ReplyDelete
  5. Wala pong fault line sa Mandaluyong no? Sana po, what about Megamall, safe ba ang kinatatayuan nya? and iyong mga nagtataasang Condo sa Mandaluyong like California Garden, SMDC etc.... thanks.

    ReplyDelete