TRAVELBOOK NOW!

Sunday, March 6, 2011

eat all you can at Kamay Kainan

Aba ang sarap naman palang mag eat-all-you-can dito sa Kamay Kainan sa West Avenue.

Puro putaheng Pinoy ang iyong malalasap at tsisibugin katulad ng kare kare , menudo , adobong manok at baboy , liempo , fried chicken , sinigang , hipon , bicol express , laing , ampalaya , papaitan , giniling , at siyempre ang sikat na mga desserts gaya ng maja , buco pandan , saba con yelo at ang masarap na sorbetes .

Marami pang ibang putahe na nakahain sa iyo na kung kaya mong ubusin sa loob ng dalawang oras ay ipapalantak talaga sa iyo.

Ikaw na ang maging bundat ang tiyan!

Sulit na sulit ang 250.00 per head na presyo sa akin dahil talagang nagpakabusog ako sa kanilang mga nakahaing Filipino menu.

For a change naman sa mga Chinese dishes na natitikman ko sa Tramway Banawe .

Kamay Kainan is the place to be.

Take a look at the picture here:
















No comments:

Post a Comment