TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, February 16, 2011

A letter to " Dearest Kuya Rom "

Ito ay isang sulat para sa kolum ni Kuya Rom sa Abante- Tonite...

Basahin po ninyo...
_____________________________________________________

Dearest Kuya Rom,


Isa ako sa mga masugid na tagasubaybay ng inyong pahayagan,gayundin ng inyong pitak na Payong Kapatid.Araw araw ay nababasa at isa sa mga inaabangan ko sa Tonite ay ang paglabas ng inyong kolum.

Sumulat ako dahil nais kong magbahagi ng aking komento at sariling opinyon tungkol sa isang topic na inyong tinalakay kamakailan lamang. Ito ay ang isyu tungkol sa kabaklaan("Lalaki gustong maging babae" at "Natutukso sa callboys")
Nalalaman kong ilang ulit na ring natalakay sa inyong kolum ang tungkol sa kabaklaan(pagpapatunay lamang na marami talaga ang may ganitong isyu sa kanilang buhay).At sa lahat ng ito ay halatang halata ang inyong lantarang pagkondena at pag-uusig sa mga gawain ng isang bakla.At ang lahat ng ito ay dahil sa nasusulat sa Bibliya at ipinag-uutos umano ng ating mahal na Diyos.

Hindi naman ito nakakapagtaka o nakakagulat dahil alam kong kayo ay miyembro ng isang "relihiyosong" samahan na kung tawagin ay born again movement.At sa gayunding paraan ay nalalaman ko ring labis na tinutuligsa ng samahang ito ang "gawain" ng mga baklang katulad ko!

I should know dahil isa rin akong "dating" miyembro ng samahang ito: Born Again
Christian Movement.Taong 1990 pa nang una akong mapabilang sa grupong ito.
Wala akong balak kontrahin o kalabanin ang anumang statement na inyong ibinibigay sa inyong mga mambabasa.At naniniwala din ako sa kasabihang "everybody is entitled to his or her own opinion".Kaya naman nais ko ring magbigay ng sarili kong opinion nang sa gayun ay mailabas din naman ang panig ng mga taong nabubuhay sa ganitong sitwasyon o kalagayan.Hindi lang ng mga taong wala namang naging tunay na karanasan o eksperyensya kung paano talaga ang mamuhay bilang isang bakla: the most misunderstood issue in the whole world.

Sa aking palagay,wala naman talagang tunay na nakakaintindi o nakakaunawa sa tunay na kalagayan at pinagdaraanan ng isang baklang tulad ko.Maliban na lamang kung isa ka ring bakla o nakaranas na maging isang bakla,o magkaroon ng koneksyon o relasyon sa isang bakla!Duon ay saka mo lamang maiintindihan ang lahat ng mga pangyayari dahil mismong ikaw ay nakaranas kung paano maging ganito!

Ngunit kung ikaw ay isang tunay o yung sinasabi nilang "straight" na lalaki,it is highly
understandable na wala kang tutoong ideya ukol sa ganitong isyu o kalakaran,at ang lahat ng iyong magiging opinion ay ibabase mo lang lahat sa naririnig,sinasabi, at nababasa mo mula sa iyong kapaligiran tungkol dito. Puro galing lamang sa labas ang lahat ng impormasyong makukuha mo patungkol dito.Walang galing sa loob dahil hindi mo naman aktwal na naranasan ang mga bagay na ito.

Ngunit ang kakatwa ay marami ang nagbibigay ng kanilang judgement sa bagay na ito kahit hindi naman talaga nila alam kung ano ang tutoo! The real score ,'ikanga .
Wari ba'y nababahala lamang ako tungkol sa tinuran mo sa iyong nakaraang mga kolum tungkol sa "scientific evidence" na ang pagiging bakla ay isang desisyon(choice) at hindi isang problema ng pagkakalikha(not a genetic problem).I respect that so-called "scientific evidence".

Maaaring tutoo ito,sa kabilnag banda, maaari din namang hindi, di ba?Maaari din namang kulang pa ang "scientific evidence " na yan,hindi kaya? For me that's not the absolute truth!

Kung tatanungin mo ang maraming mga baklang nandirito ngayon sa mundo ay siguradong marami ang hindi mag-aagree sa "scientific evidence " na yan!I'm sure marami ang magre-react tungkol sa bagay na ito,lalo na duon sa mga tunay na nakaranas kung paano maging isang bakla!

For once,this is my personal opinion and statement regarding that,in my honest opinion, half truth fact of yours.

I say half truth,dahil hindi ito ang lubos na katotohanan.Aaminin natin na mayruon nga talagang nagdesisyon at naging choice nila ang maging bading later sa kanilang buhay dahil na-discover nila na ito ang gusto nilang gawin.But you also can't hide the fact na "MAYRUON TALAGANG IPINAPANGANAK NA BADING NA SA SIMULA PA LANG".At iyan ang masakit na katotohanan!

And I say,you can take it straight from me!

Mula mismo sa aking bibig ay diretso kong masasabi sa iyo na IPINANGANAK AKONG BAKLA!

Sa aking murang kaisipan ay masasabi kong buhay na buhay na ang malakas na atraksyon ko sa mga kapwa ko lalaki.Natatandaan ko,sa murang edad na 7,habang ako ay grade 1 sa elementarya,ay maruon na akong crush na lalaki;ang kaklase kong si Angel.

Sa tingin ko kasi ang cute niya at ang ganda ng mukha.Attracted talaga ako sa kanya nuon lalo na sa kanyang mga mapupungay na mata.Kaya,nuon pa man,alam ko na na may kakaibang damdamin ang sumisibol sa akin,kahit bata pa man ako.
Wala namang nag-impluwensya sa akin.Hindi ako lumaki sa isang kapaligirang marami ang bakla.Wala rin sa mga kamg-anak ko ang masasabing bakla na maaaring pagmanahan ko o kaya ay makaimpluwensya sa akin.In fact,sa buong angkan namin ngayon ay dalawa lamang kami ng pinsan ko na lumitaw na "kakaiba ang pagkatao",ikanga nila.At lalo naman sigurong hindi ko masasabi na sa aking murang kaisipan ay naging "choice" ko nang maging crush si Angel,at ang iba ko pang mga kaklase at kalarong "maganda" sa aking paningin!

Ngunit bakit naramdaman ko ito sa ganun kamurang edad ng aking buhay?

Ang sagot ay hindi ko alam!
In fact ay walang nakakaalam ng sagot kung bakit ganuon ang nangyayari.
At ang nakakalungkot,uulitin ko,ay marami ang nagpapakilala na mistulang alam nila ang ugat ng lahat sa pangyayaring ito. At dahil sa katotohanang hindi naman talaga nila lubos na nauunawaan ang kalagayan at tutoong pinagdaraanan namin,ay nagbibigay pa rin sila ng konklusyon na minsan imbes makatulong ay lalo pang nakapipinsala upang lalo pang maragdagan ang pagkalito at tuluyang hindi pagkaunawa sa aming tunay na kalagayan!
Ito ang dahilan kung bakit minsan ay gusto kong ipagsigawan at ipahayag ang mga nararamdaman at nararanasan ng mga taong kagaya ko.Upang kahit papaano sana ay maunawaan kundi man lubusan,ay kahit bahagya lamang na maiparating namin sa mga taong nanghuhusga ang sinasapit ng mga nabibilang sa tinatawag na Ikatlong Kasarian na tulad namin.

Subalit tila ba bulag at bingi na ang mga taong dapat sana ay siyang unang unang nakakunawa at nakakaintindi sa aming pinagdaraanan.Sa darating lang na eleksyon,ay tuluyan nang tinalikuran ng Comelec ang pagkilala sa grupong Ladlad na kakandidato sana bilang partylist na siyang kakatawan sa libu-libong mga bakla na miyembro ng samahang ito.Bakit?

At ang masaklap sa lahat,ang Relihiyon na dapat ay siyang kanlungan ng mga inaapi at inaakusahan sa lipunan ay siyang numero unong nagtatakwil sa mga tulad namin.
Alam nyo po lumaki ako sa isang kapaligiran na kung saan ay iminulat ako sa katuruang ang maging bakla ay isang mortal at malaking kasalanan sa harapan ng Diyos! Na namumuhi at napopoot ang Diyos sa ganitong mga "nilalang".Patunay nga raw ang pagpapaulan ng Diyos ng asupre sa lupaing tinatawag na Sodom at Gomorrah na talamak na pinamumugaran ng mga bakla kahit nuong unang panahon pa man.At ito ay ayon sa Bibliya--ang Salita ng Diyos.

Marami pa ngang bersikulo at kapitulo sa Bibliya ang maaaring ilahad na siyang magpapatunay sa labis na pagkamuhi ng Panginoon sa sangkabaklaan.Katulad ng palaging sinasabi ng aking pamilya,partikular ng aking ama,tungkol sa kabaklaan.At ito ang natanim sa isipan ko.


Subalit ano ang ibinunga ng mga katuruang ito sa aking buhay?Nabago ba ng katuruang ito ang aking pagkatao? Sa kamalasan ay hindi.Bagkus,ay masasabi kong inilugmok ako nito sa labis na paghihirap at pasakit sa kalooban bunga nito.

Dahil sa natanggap at natanim sa aking isipan na mga pangaral laban sa kabaklaan,ay pilit kog iwinaksi ang kaisipan na maaaring ako nga ay isang bakla.Pinilit kong magpakalalaki,ikanga.

Bagamat,bata pa lang ako ay nararamdaman ko na ang aking kakaibang damdamin,dahil sa nakita at nadama kong hindi pagtanggap ng aking pamilya,at maging ng lipunan, sa ganitong sistema o kalakaran,ay sinikap kong baguhin at iwaksi ang aking nakalilitong damdamin.

Lumapit ako sa Relihiyon.Araw,gabi, lalo na nuong bata pa ako,ay lagi akong nananalangin sa Diyos na baguhin Niya ang takbo ng aking isipan.Subalit wala akong natatandaan,kahit isang saglit na nawala o nabawasan man lamang ang tindi ng silakbo at alab na nag-aapoy sa aking damdamin para sa mga kapwa ko lalaki.Bagkus ay lalo pa yatang tumitindi ang pagnanasa na aking kinikimkim para sa kanila.Bawat araw ay tila nadadagdagan ang pagnanasang itinatago ko para sa mga lalaki;at natatakot ako na isang araw ay bigla na lang akong sumabog at hindi ko na makayanang itago ang lahat sa aking kalooban.

Don't get me wrong.Lumapit na rin ako sa Panginoon.As I have said,nakakilala ako sa Panginoon simula pa nuong 1990.Naging masigasig din ako sa paglilingkod sa Panginoon.Sa pag-asa nanararamdaman sa kaibut mababago nito ang lahat ng aking itinatagong "kasalanan".Nagsikap ako at nagpumilit.Humihingi lagi ng tulong sa Itaas. Umiiyak na ako minsan dahil pinipigilan ko ang aking sarili na magkasala: ang patulan ko ang isang kapitbahay na lalaki na malaki ang aking paghanga---at pagnanasa!

Maging sa isip ko ay pinipigilan kong magkasala.Mapatingin lang ako sa isang lalaki na may halo nang pagnanasa ay agad kong inaalis sa aking isipan.Dusa rin maging ang pagpigil ko sa pagpapaligaya sa aking sarili para mailabas ang init na aking uran ng aking katawan.Dahil maging ito daw ay kasalanan!
Ang lahat ng oras ko at panahon nuon ay ginugol ko sa paglilingkod sa Panginoon!
Kalabisan pang sabihin na sinubukan ko ring pumasok sa isang Seminaryo!
Ngunit kung tatanawin ko ngayon ang aking nakaraan,hindi ko lubos maisip kung paano ako nakapagtiis ng ganun katagal na panahon upang supilin at pigilin lamang ang lahat ng ito.

Naniniwala ako na hindi habang panahon na maitatago ko at maitatatwa ang aking tunay na damdamin.Na darating din ang araw na tuluyan ng kakawala ang nakatagong "halimaw" sa aking kaisipan.

At dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko!

Ngayon ay ibang -iba na ako sa dating kinalulugaran ko.Ginawa ko na ang matagal nang isinisigaw ng aking puso at isipan.Hindi na ako Relihiyoso.Hindi na rin ako madalas manalangin.Ang ginagawa ko ngayon ay ang sinasabi nilang karima-rimarim at kasuklam-suklam sa harapan ng Diyos!

Ngayon masisisi nyo ba ako kung ganito man ang pinili kong sitwasyon ngayon?
Sa aking ginawang desisyon na pagsunod sa nasa at pita ng aking laman ay wala akong pinagsisisihan.Ginusto ko ito at pangangatawanan ko anuman ang maging bunga ng kapangahasan kong ito.
Ang sa akin lang at prinsipyong pinanghahawakan ko ngayon ay ito:
1.may mga ipinapanganak na bakla na talaga sa simula pa lang
2.hindi sapat ang pagiging relihiyoso o maka-Diyos upang mapigilan ito
3.walang sinuman ang lubusang nakakaintindi kung saan ito nanggaling o saan ito patungo;kayat walang karapatan ang sinuman na ito ay husgahan at sabihin na ito ay isang malaking pagkakamali
4.at ito ay hindi laging kasalanan ng Diyablo kung bakit nagkakaruon ng ganito sa mundo.Minsan nakakaawa na ang Diyablo,dahil paging siya ang nasisisi sa lahat ng kapalpakan na lumalabas sa mundong ito!In the first place, kailangan bang laging mayruong sisihin kapag may nangyayaring itinuturing nating hindi maganda sa ating kapaligiran?

Sa ngayon ay nakakapagsimba pa rin ako minsan;at bagamat hindi madalas,ay patuloy pa rin akong tumatawag sa Panginoon.Hindi naman dahil sinasabi nilang namumuhay ako sa "kasalanan",ay itinakwil ko na rin ang Diyos sa aking buhay!
Ironically,mas naging malapit ako ngayon sa Diyos kaysa dati.
Kasi ngayon ang Diyos na kinikilala ko ay alam kong hindi ako kinamumuhian.Na mahal pa rin Niya ako kahit na ganito ang sinapit at naging kalagayan ko. Hindi ko iniisip na itinatakwil at isinusumpa ng Panginoon dahil lamang sa aking pagiging bakla.Naniniwala akong sa Kanyang dakilang karunungan at katarungan ay hindi niya ako huhusgahan dahil lamang sa pagiging ganito ko kaimperpekto.

Sapagkat ang Diyos na alam ko ay hindi nakakulong sa isang libro na ang personalidad ay drinowing at kinatha lamang ng mga tao na mayruon ding poot sa kanilang mga puso laban sa mga bakla!

I'm sorry if I may sound atheistic or worst,an evil blasphemer! But I am not,it's just that I want to give the Lord the benefit of the doubt.
Hindi ko kasi lubos maisip at matanggap na ganun kamuhi ang Diyos sa aming mga bakla.
In the end wala naman talaga,ni sinuman sa atin,ang nakatitiyak kung ano ba talaga ang katotohanan tungkol sa sinasabi nilang " a mistake of life " na ito.

At kung ano ang tutoong stand ng Diyos tungkol sa isyung ito!

Hindi lang talaga nila alam kung ano ang aming pinagdaraanan.Akala nila ganun lang iyun kadali.

Napakadaling sabihin ng isang "straight" na tulad ninyo,na umiwas,layuan,at supilin namin ang tukso ng kasalanan.Na kami ay magpakalalaki dahil ito ang disenyo ng Diyos para sa amin.Dahil walang nilalang ang Diyos na bakla!
Sana nga ganun lang yun kadali,disin sana'y wala nang naging bakla at naghihirap na kalooban dahil napakadali lang palang magpakalalaki.
Iba rin ang sitwasyon ng mga bakla na nagdesisyon na magpakalalaki later sa kanilang buhay.

Ito ay dahil naranasan na ng taong iyun ang lahat ng klase ng pait at kabiguan kung paano mamuhay ang isang bakla.Kaya sa bandang huli ay nagdesisyon na silang magpakalalaki na lang at supilin ang kanilang nararamdaman dahil nagsawa at nanghinawa at naawa na rin sila sa kanilang sarili buhat sa mga paghihirap na kaakibat ng pagiging isang bakla!
Nanggaling sila sa isang buhay na nakakapagod at nakakasawa kaya madali sa kanila ang magdesisyon na magbago at mag-iba ng landas buhat dito.
Subalit sa isang taong tulad ko na naranasan munang magpakabanal at mamuhay ng tama,diretso at walang kapintasan,mahirap isiping hindi ko maiisip ang magkasala at magkamali at danasin ito nang sa gayun ay malaman ko ang katotohanan kung sino ba talaga ako at ano ang gusto ko.

Minsan kailangan din muna nating maranasan ang magkasala at magkamali nang sa ganun ay makapagdesisiyon tayo kung ano ang susundan nating daan.

In the first place ay wala namang mabuti kung walang masama di ba?

Walang tama kung walang mali!

Masasabi kong napagod na rin ako sa sobrang pagpapakabanal at pagpipigil sa aking sarili kaya't minabuti kong lumabas at itigil na ang pagsupil sa aking tunay na nararamdaman.
Magpakatutoo at ilabas ang tunay na anyo mo,masama ba ito?
Masama bang sundin ang tunay na nararamdaman mo at nilalaman ng puso dahil lamang natatakot ka na itakwil ka ng iyong pamilya,ng lipunan na mapanghusga,at ng Diyos na sinasabing nag-uutos nito?

The next question is,utos nga ba talaga ng Diyos ang lahat?

O utos lang ng mga taong nagsasabing maka-Diyos!

I am very sorry again if I may sound a bit harsh,subalit ito lamang ang nilalaman ng aking puso. At minsan kailangang mong ilabas ito para marinig at nang sa gayun ay maunawaan din ng ibang tao ang tunay na pinagdaraanan.
Iyun ay kung hindi pa sila nabulag nang kanilang sobrang pagiging relihiyoso.

Ang sabi natin,ay "hate the deeds,not the person".Kamuhian natin ang kanyang mga kasamaang ginagawa hindi ang mismong tao.

I beg to disagree!

If you hate his work,you hate the person,period!
It's the same thing as,if you truly love a person,you love everything about him or her.You accept.

That's true love.No strings attached.No ifs and buts.

And that's the kind of love God has!

Hindi natin puwedeng sabihin na mahal ko ang taong iyun pero hindi ang kanyang pagkabakla.I tell you,hindi iyun tunay na pag-ibig.

Kung mahal mo ang isang tao,mahal mo ang lahat tungkol sa kanya,walang tanung -tanong,para sa akin,iyan ang taong tunay na umiibig!

Sadly,wala sa ating mga tao ang makakapantay sa pag-ibig na tunay na ipinapadama sa atin ng Diyos.

At minsan ito ang hindi maintindihan ng tao!

Na pinipilit naman niyang intindihin at ipaliwanag kahit na alam niyang kailanman ay hindi ito mauunawan at maaarok ng kanyang kaisipan.

And that is the mystery of God!

Misteryo na pinipilit tuklasin ng tao.At pinipilit niyang maintindihan!

Ngunit ang lahat ay nauuwi lamang sa kabiguan.

At siphayo naman sa ibang naaapektuhan.
In the end,sa aking pagkawala sa mundong ito,sa araw na kailangan kong humarap sa Diyos,meron lang akong isang tanong na nais kong sagutin niya.
Ito ay ang tanong na "Lord,hate mo ba talaga ang mga bakla?"

At habang hindi pa dumadating ang araw na itinakda upang makaharap ko Siya,mamumuhay muna ako sa paraang gusto ko at nais ng puso ko.After all,minsan lang naman tayo dadaan sa mundong ito. At sa aking kamatayan,umaasa ako na ibang klaseng Diyos ang haharap sa akin at tatanggap bilang ako.Hindi ang Diyos na likha at ikinahon ng mga tao.

At kung hindi naman,so be it.Tatanggapin ko anuman ang kanyang maging kahatulan!
Basta ang mahalaga ay sinunod ko kung ano ang nasa puso ko!
At minsan yun lang ang dapat nating gawin sa ating buhay!

Amen.

Thank you very much!

1 comment:

  1. haven't you been touched about Jesus' sacrifice on the cross? When Jesus died on the cross He was thinking of you, haven't you asked Him "Lord why it was because of me You sacrificed yourself on the cross?" can you not make also a sacrifice of getting away from homosexual sins, the fact that you know that Jesus died for you on the cross?.. Your sacrifice is smaller than what Jesus had done on the cross. Don't say that you are going to accept the consequences of your deeds, you'll just be in Hell. What God wants is you with Him in heaven. A little sacrifice from you is worthy because you will spend eternity with Him. Ask Him for strength. What the bible says in James, "He who will stay standing in faith at last, will be rewarded and inherit the Kingdom." God bless You!

    ReplyDelete