TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, February 15, 2011

Executive Order Number 23



Suportado ko ang EO No. 23 ni Pangulong Pnoy na kaniyang nilagdaan ukol sa indefinite log ban sa buong bansa upang mapigilan ang sobra sobrang pagputol ng mga puno sa kagubatan ng Pilipinas.

Sa tindi at dami ng bahang naranasan ng bansa nitong nagdaang mga panahon hindi mapasusubalian na isa sa dahilan nito ay ang pagkaubos ng mga puno sa ating mga kabundukan at kagubatan.

Maliban sa maling pagtatapon ng mga basura at mahinang klase ng drainage at sewerage system sa ating bansa , ay isa ang pagkaubos ng puno sa mga matitinding dahilan ng mga pagbaha sa ating kapuluan.

Lalo na at panahon ngayon ng La Nina at mga bagyo na sanhi naman ng climate change sa buong mundo bilang epekto pa rin ng paglaho ng kagubatan na siya sanang sasangga sa mainit na buga ng araw sa atin.

Dapat nga dito ay total log ban eh .

Aba'y dapat tuluyan nang ipagbawal ang pagto-troso at pagmimina sa ating mga kabundukan huh.

Bakit selective lang at indefinite pa?

Kailan pa ipapatupad ang total log ban , kapag wala nang mga gubat at bundok sa buong Pilipinas ?

At sana kung kailangan mang may putulin na puno , dapat ay may ipapalit sila na bagong butil ng puno para lumaki at lumago di ba?

Ang mga siyentista naman natin at mga imbentor dapat ay umpisahan nang magsaliksik o mag-imbento ng synthetic na puno. Iyon bang gawa o materyal na parang puno pero hindi talaga siya galing sa kahoy kundi sa loob ng isang laboratoryo pinormula.

Dapat iyon ang imbentuhin ng mga aghamero natin eh hindi iyong kung anu-anong pampaganda o pampaputi nang sa gayon ay hindi na natin kailangan pang pumutol ng puno ng kahoy para gamitin bilang furniture o muwebles na ang kailangan ay kahoy.

At dapat hindi lang log ban ang ipagbawal huh.

Pati iyong mga walang kawawaang pagmimina at pagbubungkal ng lupa na ang nagsa- suffer din siyempre ay iyong mga masasagasaang mga puno na kailangang itumba para maisagawa ang pagmimina o pagbubungkal ng lupa di ba?

Kung ako nga lang ay may kakayahang gumawa ng batas ay ipapasa ko ang isang batas na nag-uutos na bawat isang bahay ay dapat ay may alagang isang puno ng kahoy na kaniyang palalakihin at payayabungin sa kaniyang bakuran o hardin. Dapat mandatory ito sa bawat may bahay.

Iyon ay kung isa akong mambabatas.

Kaso ang karamihan sa ating mga mambabatas ay mambubutas kaya tuloy iyan maraming mga butas ang ating mga batas hu hu hu hu.

EO 23 , upheld it all over the country now to start the healing process of our forestry!!!

Now na!!!

4 comments:

  1. Tama ka diyan! Dahil na rin sa dami ng tao sa Maynila, ang bawat espasyo na sana ay nakalaan sa mga halaman at mga puno ay tinatayuan na ng bahay. Sa probinsiya naman, kinakalbo na ang mga kagubatan para gawing exclusive subdivision at golf course. Sa Montalban nga lang, parang mabibilang mo na sa daliri ang mga punong nakatayo eh. Sayang talaga... sayang...

    ReplyDelete
  2. I love trees Melanie....I really love them....I am deeply saddened if ever a tree had been pulled down just to give way to a damn subdivision or a golf course ..tsk ..tsk ..tsk...

    ReplyDelete
  3. i love shit!so FUCK YOUR SELF EDGAR PORTOLAN!FUCK YOU!

    ReplyDelete
  4. marami ng pinuputol na puno hindi sila naawa sa kalikasan na halos makalbo na pero hindi rin siguro naiisip ng mga pumuputol nito na mas nakakaapekto ito sa ating mga tao dumarami ang natatalang landslide sa ibat ibang probinsya.

    ReplyDelete