TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, February 2, 2011

Aratiles



Nuong bata ako ay mahilig ako sa bunga ng aratiles.

Ito yung puno na kung saan ay nagkakabunga ng maliliit na prutas na kadalasang kulay pula kapag hinog na .

Ang kulay nito kapag hindi pa hinog o manibalang pa lang ay kadalasang berde.

Kapag malaki laki na at malapit nang mahinog at medyo naninilaw na ang kulay nito ay puwede na itong kainin o ngatain sabay sa pagtagas ng malinamnam na katas nito sa iyong bibig.

Pero mas manamis-namis iyong hinog na o mapupula na ang balat . Mas masarap itong nguyain at ngatain.

Madali lang itong tumubo at lumago kahit sa tabi tabi lang nuon.

Marami ito nuon sa aming paligid nuong aking kabataan days diyan sa may Marikina.

Pero ngayon tila hindi ko na madalas na nakikita ito sa amin.

Palibhasa yung mga dating damuhan at bukirin na pinaglalamyerdahan namin nuon diyan sa Marikina ay natayuan na ng mga naglalakihang mall at mga gusali hmmmpp.

Na mi-miss ko na tuloy ang aratiles.

Bihira din ang nagtitinda nito sa palengke at mga talipapa.

Ni wala nga yatang naglalako nito sa mga pamilihan.

Eh kasi naman paborito lang ito ng mga batang tulad ko nuon.

Naaalala ko na lagi akong hinahanap ni Mother at kapag hindi ako makita ay tatanaw lang siya sa napakataas na puno ng aratiles sa aming hardin ay makikita na niya ako duon na nakalambitin na parang unggoy at sumisibasib ng mga bunga nito.

Ang tawag ng ibang mga bata dito ay alatires.

Pero napagtanto ko na ngayon na ang tamang bigkas dito ay aratiles , ratiles , datiles o puwede ring tawaging mansanita.

Ang species name nito ay Muntingia calabura.

Sa English ito ay tinatawag na Jamaican cherry, Panama berry o Singapore cherry

Kapag may pera na nga ay magtatanim ako nito ng isang buong farm at gagawin kong isang malaking negosyo he he he.

Aratiles vendor anyone?

Aratiles , aratiles kayo diyan.....

No comments:

Post a Comment