TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 4, 2011

UNSTOPPABLE


Ang ganda naman ng Unstoppable na pelikula ni Denzel Washington at Chris Pine na tungkol sa tangkang pagpigil sa nakawala at natanggalan ng prenong tren na umalpas mula sa dock nito at nanganib na malipol ang isang buong bayan dahil sa mga karga nitong nakalalason at eksplosibong mga kemikal na puwedeng sumabog oras na ma-derail ang nasabing tren sa riles na pakurba ang daan.

Ang sentro ng istorya ay kung paano mapipigilan sa pagiging disaster ang nagwawalang tren na walang sinumang nagmamando dahil sa kapabayaan ng isang tauhan ng train depot .

Walang habas ang aksyon mula simula hanggang matapos .

Bagamat formulaic ang pelikula at predictable na ang mga pangyayari ay nagawa pa rin nitong mapaniwala ang mga manunuod na isa itong tunay na istoryang nangyari sa kasalukuyan.

Base rin ito sa tutoong pangyayari na naganap nuong 2001 kung saan ang tren na CSX 8888 ay nakaalpas rin at naghasik ng ligalig at lagim sa isang buong bayan dahil sa delikadong mga " pasahero" nito.

Salamat na lamang sa mga bayani ng pelikulang ito na sina Will Colson at Frank Barnes at naagapan ang isang catastrophic na pangyayari na maaaring ikasawi ng libu-libong katao at mga ari-arian.

Unstoppable action from start to finish if you watch this movie.

Dito ay ipinakitang puwedeng puwede pa rin sa aksyon ang medyo tumatanda nang bida na si Denzel Washington.

Truly , nothing will stop you from watching this unstoppable movie.

No comments:

Post a Comment